1

JANUARY 2025

Paputok, Resolutions, Atbp!

by | 202501, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Luisa Collopy

Welcome, 2025! At dahil bagong taon, sisimulan natin ang bagong series na “Anong Plano Mo sa Bagong Taon?”

Kung ganoon, Panginoon, nasaan ba ang pag-asa? Pag-asa ko’y nasa iyo, sa iyo ko nakikita.

Awit 39:7

Parang fiesta ang handang pagsasaluhan! Naka-ready na ang mga paputok at ang mga baryang ihahagis for good luck. Naisulat na rin ang mga resolution. Iyan ang mga bagay that we associate with and get excited about for the New Year. Teka, nabayaran mo na ba ang iyong inutangan? Kailangang clean slate ka sa papasok na taon.

Pero hindi naman lahat ay may gana at masayang haharap sa darating na Bagong Taon. May mga taong madilim ang kanilang paligid. Nakakulong sa loob ng bahay. Malungkot at nag-iisa — or just lonely and feeling alone kahit pa mayroong mga kasambahay. Kung nakikita mo ang sarili mo sa mga ganitong sitwasyon, itanong mo, “Bakit ako nalulungkot, bakit ako nagdaramdam?” (Awit 42:11a)

Hindi ka nag-iisa! Noong unang panahon ay may magandang revelation na ibinigay ang mang-aawit sa Biblia kung paano mapapawi ang kalungkutan at pagdaramdam. Sinabi niya, “Sa Diyos ako’y may tiwala, siyang aking aasahan” (Awit 42:11b). Totoong ang pag-ibig at kahabagan ng Diyos “ay laging sariwa bawat umaga; katapatan [niya’y] napakadakila” (Mga Panaghoy 3:22–23).

You’re still not sure kung kaya mong umasa pa? Sinasabi ng Panginoon, “Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ito’y nagaganap na, hindi mo pa ba makita? (Isaias 43:19). Inaanyayahan ka ng Diyos na maniwala sa Kanya para mapatotohanan Niya ang Kanyang plano para sa buhay mo!

Gustuhin man natin o hindi, darating pa rin ang New Year. Kaya mas mabuting salubungin natin ito nang may pag-asa sa ating puso. Sabi sa aklat ni Isaias, “Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang magpapalakas sa inyo. Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo’” (41:13).

Salubugin natin ng may pag-asa ang bagong taon dahil ang ating Panginoon ay may magandang plano para sa atin. Abangan ninyo bukas ang continuation ng ating series na “Anong Plano Mo sa Bagong Taon?”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan Mo akong matutong umasa sa Iyo dahil Ikaw lamang ang tunay na pag-asa.

APPLICATION

Ano ang dahilan at nawawalan ka ng pag-asa? Look for Bible verses that will encourage you to put your hope in the Lord.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 12 =