22

APRIL 2024

Patuloy Kang Mangarap

by | 202404, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Alma S. de Guzman

ngunit hindi pa nagbabago ang lakas ko mula nang ako’y isugo ni Moises upang siyasatin ang lupaing ito. Kaya ko pang makipaglaban at gawin ang kahit anong trabaho.

Josue 14:11

“Huwag kayong humintong mangarap at manalangin! Believe! Have confidence and those dreams will see you through by the grace of God.”

Ito ang masayang sinabi ng isang sixty-five-year-old lady sa kanyang podcast. Kahit senior citizen na siya mayroon pa rin siyang mga pangarap sa buhay at naniniwala siyang she still has a lot of things to offer.

We can feel from the message of the lady na gusto niya tayong i-encourage to keep our dreams alive whatever our age.  Hangga’t hindi pa natin times up sa mundong ito we can have faith to keep on dreaming. Gaya ni Caleb.

Si Caleb ay kilala bilang isa sa labindalawang espiya na pinili ni Moses upang manmanan ang lupang ipinangako Niya para sa mga Israelita (Bilang 13:1-15). Nang matapos ang misyon, ang sampung kasama nila ay natakot sa kanilang mga nakita at nagsabing hindi nila kayang sakupin ang lupain (Bilang 13:31-33). Ngunit natatangi ang lakas ng loob at katapatan sa Diyos na ipinakita nina Caleb at Joshua. Nanindigan si Caleb na bagama’t malalaki ang kalaban maaari nila itong matalo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos (Bilang 14:7-9).

Dahil tutol ang lahat at hindi sila nagtiwala sa Diyos, hindi sila pinahintulutan ng Diyos na makapasok sa lupang pangako. Tanging sina Joshua at Caleb ang pinayagang makarating doon pagkaraan ng 40 taon. Hanggang sa edad na eighty-five, ang pangarap na makamtan ang lupang pangako ay patuloy na pinanghawakan at ipinaglaban ni Caleb. At hindi nga siya binigo ng Diyos; ipinagkaloob sa kanya ang Hebron, a historical site of Abraham, Isaac, at Jacob (Josue 14:9-14).

Our God is a God of great possibilities. Whether you are now fulfilling your dreams, or are already an accomplished person, remember that with God, you can still do greater things. He wants you to live a purposeful life, kaya bibigyan ka Niya ng desires and dreams na ayon sa kalooban Niya, and He’ll empower you to achieve them.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for giving me new dreams. I pray for Your will to be done. Like Caleb, bless me with wholehearted passion and guide me to pursue your purpose for me. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Cultivate your God-given dreams by praying, reading the Bible and other good books, or by listening to podcasts.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 7 =