21
APRIL 2024
May Kayakap sa Dilim
Kung langit ang puntahan ko, tiyak na naroroon ka, sa daigdig ng mga patay, humimlay man ako’y ikaw din ang kasama.
Awit 139:8
Literal na madilim ang isa sa mga darkest season ng buhay ni Leon. He isolated himself sa madilim niyang kuwarto while listening to sad songs after his girlfriend broke up with him. To make matters worse, naiwan siyang mag-isa after his family went back to the province. And to top it all, it was a challenge for him na pagkasyahin ang kanyang salary as a working professional.
Some of us are like Leon. Gusto nating mapag-isa kapag malungkot at broken tayo. Gusto nating ishut-off ang mundo and really feel the pain. Some of us naman resort to going to a “dark place,” figuratively speaking, tulad ng pagkakaroon ng addiction sa iba’t ibang bisyo, droga, or pornography. Sa mga panahong ito, iniisip natin na walang nakakaintindi sa atin. We are not loved. We are a failure. We are alone, at inaakala natin na sa gitna ng lahat ng ito, walang willing na sumama sa atin sa dilim. Kaya naman kung minsan, some of us think of ending our suffering by ending our miserable lives.
DON’T DO IT!
May willing na sumama sa iyo kahit magtago ka pa sa pinakamadilim at pinakamalayong lugar (Awit 139:11–12). Siya si Jesus Christ! He loves you and He cares for you! He is with you even in your weakest, saddest, and depressed state. You are not alone! Jesus can give you a new beginning despite your failures. At kahit saan ka magpunta upang takbuhan ang problema mo, He is there! Sabi sa Awit 139:7–10, “Saan ako magpupunta, upang ako’y makatakas? Sa iyo bang Espiritu, ako ba’y makakaiwas? Kung langit ang puntahan ko, tiyak na naroroon ka, sa daigdig ng mga patay, humimlay man ako’y ikaw din ang kasama; kung ako ay makalipad, umiwas na pasilangan, o kaya ang tirahan ko’y ang duluhan ng kanluran; tiyak ikaw ay naroon, upang ako’y pangunahan, matatagpo kita roon upang ako ay tulungan.”
Hindi takot si Jesus sa dilim na nakabalot sa pagkatao o sa sitwasyon natin. Handa Siyang samahan tayo at yakapin sa lahat ng oras. Hindi tayo nag-iisa.
LET’S PRAY
Dear Jesus, I am at my darkest season. Nawawalan na po ako ng pag-asa sa aking buhay. Napakarami ng pagsubok na dumarating but I will choose to trust You. Salamat po sa promise Mo na hindi Mo ako pababayaan. Yakapin Mo po ako, Jesus. I need You in my life. Amen.
APPLICATION
Nahihirapan ka bang mag-express ng nararamdaman mong kabigatan? Iiyak mo lang kay Lord ang nasa puso mo ngayon. Maiintindihan ka Niya. Kung kailangan mo ng kausap, you can call 8-737-0-700 or text 0919-060-7567. CBN Asia Prayer Center is here 24/7 to listen to you and pray for you.