7

MAY 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit-Kakilala & Written by Joshene Bersales

Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagtatrabaho, dapat ninyong tulungan ang mahihina. Alalahanin natin ang mga salita ng Panginoong Jesus, Higit na mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap.

Mga Gawa 20:35

Masaya pakinggan ang “Generous Mister Lovewell” ng MercyMe. Ito ’yung tipo ng kanta na mapapa-tap ka ng paa kapag narinig mo sa jeep. Baka nga may kasama pa itong pag-bob ng ulo habang sinusundan mo ang kanyang beat.

Pero more than its catchy rhythm, maganda ang “Generous Mister Lovewell” dahil sa kanyang heartwarming lyrics. Ikinukuwento ng narrator ang buhay ni Mister Lovewell, isang simpleng tao na araw-araw humahanap ng mga paraan to show love to other people. Kinukumusta niya ang kanyang mga kaibigan. Nag-o-offer siya ng tulong sa mga nakakasalubong niya sa kalye. Maliit na bagay man ang mga ito, malaki ang impact nila sa mga taong tinutulungan niya.

While listening to the song, madi-discover natin kung bakit ito ginagawa ni Mister Lovewell. “’Cause someone took the time with him.” Dahil may unang nagpakita sa kanya ng kabutihan, natutunan niyang maging mabuti sa ibang tao.

Has someone helped you recently? Puwedeng may nag-hold ng pinto ng elevator para hintayin kang makapasok. O may nanlibre sa’yo ng lunch kasi kinulang ang pera mo for the week. Paano mo sinuklian ang kabutihang ito?

Minsan, we don’t get the chance to repay the person na tumulong sa atin. Pero we can always pay it forward. Halimbawa, next time na may humahangos para habulin ang elevator, puwede mong i-hold ang door para makapasok siya. Next time na may extrang pera ka, bakit hindi mo bilhan ng makakain yung namamalimos sa kanto?

Reminder ni Paul sa Galatians, “Kaya’t huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo magsasawa” (Mga Taga-Galacia 6:9). Sabi naman sa Mga Gawa 20:35, “Higit na mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap.” Parehong ine-emphasize ng verses na ito ang blessing na matatanggap ng tumutulong sa kanilang kapwa. Paano pa kaya kung una tayong nakatanggap ng blessing? Hindi ba maganda na tayo naman ang maging pagpapala sa ibang tao?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat sa blessings na binibigay Ninyo. Help me find opportunities para maging blessing sa ibang tao. Amen.

APPLICATION

Gumawa ng isang small act of kindness sa isang stranger o kakilala this week. Kapag pinasalamatan ka, suggest that they pay it forward at maging blessing sila sa ibang tao.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 11 =