16
OCTOBER 2023
Payo ng Ama at Ina
Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama, at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina; sapagkat ang mga iyon ay parang korona sa iyong ulo, parang kuwintas na may dalang karangalan. Aking anak, sakali mang akitin ka ng mga makasalanan, huwag kang papayag, tanggihan mo sila.
Kawikaan 1:8–10
Google has become man’s best friend. Students often use Google to research for their studies and to look for information about personal concerns. Some use it to look for online counselors. They go to social media influencers for advice and counsel. Ganito ka rin ba? Mas nagre-rely ka ba sa Google kaysa tunay na tao? Kailan mo huling pinakinggan o hiningan ng payo ang iyong mga magulang?
While Google and social media have vast quantities of information available regarding the problem that you might be going through, they don’t know you nor care for you personally. You may have friends to turn to, pero iba pa rin ang pag-aalaga, kaalaman, at care ng parents mo para sa iyo.
God’s perfect design for humanity is for each one to be part of a family. God designed the parents to have a connection and concern for their children. It is patterned after God’s relationship with us. We are not just His creation, we are also His children if we believe in His only Son Jesus Christ. Undoubtedly, concerned ang Diyos sa atin. Kaya dinisenyo Niya na itaguyod ng mga magulang tayong mga anak nila.
Pinapayuhan tayo ng aklat ng Kawikaan na dinggin natin ang aral ng ating mga magulang at huwag ipagwalang-bahala ang magandang turo nila (Kawikaan 1:8). If you doubt your parents’ concern for you, pray about it. Ask God to give you wisdom. Pray for your parents too, para tulad ng Diyos ay maipakita nila ang pagmamahal at paggabay sa iyo bilang kanilang anak.
LET’S PRAY
Panginoon, salamat sa aking mga magulang. Turuan po Ninyo akong maunawaan sila at pakinggan ang mabubuting payo nila. Turuan din Ninyo akong magtiwala sa Inyo, Panginoon, na aking Diyos at Ama sa langit. Salamat dahil tunay po Kayong nagmamahal sa akin.
APPLICATION
Kailan mo huling nilapitan ang iyong mga magulang for advice? Pasalamatan mo sila sa magagandang ipinayo nila sa iyo. Huwag mag-atubiling lumapit sa kanila kung kailangan mo ngayon ng payo.