4
APRIL 2024
People of the Book
Wiling-wili silang nakikinig sa mga paliwanag ni Pablo, at sinaliksik nila araw-araw ang mga Kasulatan upang tingnan kung totoo nga ang sinasabi niya.
Mga Gawa 17:11b
“People of the book” — ito ang description sa mga Cristiano na makikita sa Quran, ang Islamic holy book. Nabasa ito ni Ami sa isang magazine article.
“Isa ba ako sa matatawag na ‘People of the Book’? Regular ba ang aking Quiet Time?” Naalala niya tuloy na nung linggong iyon ay ni hindi niya nabuksan ang Bible niya. Busy kasi sila sa mahalagang research project na dapat tapusin. Siya ang naatasan na magsulat ng final report.
Naalala niya ang sermon last month sa church nila. Ito ay tungkol sa mga taga–Berea. Excited sila sa pakikinig sa mga paliwanag ni Apostol Pablo. At sila ay nagsasaliksik ng Kasulatan araw-araw.
“Mahirap gawin iyon,” sabi ng Pastor, “dahil wala silang individual copies ng Banal na Kasulatan. Kailangan pa nilang pumunta sa synagogue. At ginagawa nila ito araw-araw.”
“Eh tayo, may mga kopya ng Biblia — hard copy o sa cellphone o gadget. Walang excuse para di magbasa ng Biblia. Ngunit sad to say, marami pa rin ang di nagagawa ito,” dagdag ni Pastor.
Nagbigay siya ng challenge sa congregation: “Sa nag-iistruggle sa Quiet Time, maari bang tumayo kayo? Mula ngayon ay pagsisikapan ninyong gawin ito araw-araw sa tulong ng Diyos …” Isa si Ami sa mga tumayo. Simula noon ay mas naging regular siya sa pagbabasa ng Bible. Ni-lo-look forward na niya ang kanyang daily devotion.
Ngunit dumating yung araw na naging busy siya sa opisina. Panay ang overtime kaya’t hirap siyang gumising sa umaga. Pati Quiet Time niya ay naapektuhan.
Pagkabasa niya ng magazine article, humingi siya ng forgiveness sa Panginoon:“Patawarin po Ninyo ako sa mga araw na di ako nakapag–uiet Time. Tulungan po Ninyo ako na maging katulad ng Bereans.
LET’S PRAY
Salamat po sa Inyong reminder na maging regular sa aking daily devotion. Nais ko pong marinig muli ang Inyong tinig sa aking pagmumuni–muni ng Inyong Salita.
APPLICATION
Malaking tulong kung gagawin mo ang iyong Quiet Time sa parehong oras at lugar araw-araw. Mas masasanay ka na maging regular sa paggawa nito.