28

MARCH 2022

Playing the Blame Game

by | 202203, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Sonjia Calit & Written by Edwin D. Arceo

Mga kapatid, kung may makagawa ng kasalanan, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso.

Mga Taga-Galacia 6:1

Si Gerald ay may ugaling katulad ni Adam, ang unang tao that God created. Mahilig siyang mag-blame ng iba. Hindi ba nung hinanap ni God si Adam at si Eve sa Paraiso at nagtago sila, ano ang sinabi ni Adam? “The woman you put here with me — she gave me some fruit from the tree, and I ate it” (Genesis 3:12, NIV).

Ultimate blamer si Gerald kasi if he makes an error sa work niya, hahanap agad siya ng ibang sisisihin. For instance, na-delay daw ang supplier, or sumabit ang subordinate nya. Kailangan na hindi siya ang may mali.

Ang malungkot, ganito rin si Gerald sa pamilya at malalapit sa kanya. Kapag nakasira ng gamit ang kapatid niya, andun agad siya para mag-blame. Kapag na-late sa date nila ang girlfriend niya, galit agad siya at pinagagalitan si girl kahit may ibang nakakarinig. Minsan na-scam ang kanyang nanay. Aba, pinagalitan pa ni Gerald imbes na i-comfort ang nanay niya na napahiya at nalungkot sa nangyari. Huwag naman ganun!

Gerald, most of the time, means well. Gusto lang naman niya maayos ang lahat ayon sa kanyang standard. Pero may instances na wala na talaga siya sa lugar.

Kagaya ka ba ni Gerald? Wala na bang tumama sa iyo? Alalahanin mo ang verse natin for today. Kapag may mga nagkakasala, or nagkakamali, i-restore natin sila, huwag blame agad. Hindi nakakatulong na palagi na lang galit at nangbi-blame. May tamang oras para sa ganun. Ang kailangan natin ay maging maunawain at tulungang makabangon ang mga nadadapa. After all, we might need to be given the same grace kapag dumating ang panahon na tayo naman ang magkamali.

 

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, tulungan Mo po ako na kapag nakakakita ng pagkakamali ay maging mahinahon at mapagpatawad. Na dapat ay mas mauna ang pag-unawa kaysa paninisi. Lord, baguhin mo po ako araw-araw to become more and more like You. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Ilista mo sa papel ang pangalan ng mga taong lagi mo na lang bini-blame kapag nagkakamali. I-lift up mo sila sa prayer and then try to contact them and ask for an apology kung na-offend mo sila in the past.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 9 =