28
JUNE 2021
Please Pass the Salt
Mga Taga-Colosas 4:6
Nakakawalang-gana, di ba? Yung excitement mo, napalitan ng pagkadismayado. Napakaliit na bagay ng asin pero napakalaki ng epekto kapag hindi nakasama sa sangkap ng pagkain. Maybe this is why we are told to let our speech always be with grace, seasoned with salt. When we start to spew out words without grace, puno ng galit o hatred, nakakawalang-gana rin iyon sa kausap natin. Imbes na maging hungry sila to know more about God and His Word because of us, we turn them away and make them lose their appetite for the truth.
Inencourage ni Apostol Pablo ang mga taga-Colosas na maging maingat sa pakikipag-usap sa mga hindi mananampalataya. Yes, we should be ready to defend our faith but at the same time, dapat ay handa rin tayo to show grace. Mas mabuting maging gentle kaysa maging harsh. We can learn from the example ni Jesus. People gravitated toward Him. Kahit na ang pinaka-makasalanang tao ay hindi nahiyang lumapit sa Kanya. Next time you are tempted to destroy another with your words, mag-isip ka muna. Pray before you speak. Gumamit ng “asin” para you can give glory to God sa lahat ng iyong sasabihin.