20

NOVEMBER 2026

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Celeste Endriga-Javier

At siya’y nanalangin, “Yahweh, buksan po ninyo ang kanyang paningin nang siya’y makakita.” Pinakinggan ni Yahweh ang kanyang panalangin at nakita ng katulong ni Eliseo na ang bundok ay punung-puno ng mga kabayo at karwaheng apoy na nakapaligid kay Eliseo.

2 Mga Hari‬ ‭6‬:‭17‬

Minsa’y nakakamanghang basahin ang mga comment sa social media. Totally opposite ang reactions toward the very same thing. Iisa lang ang pinapanood nila, pero sobrang opposite ang mga reaction ng tao. Magkakaiba ang kanilang pananaw at pagtingin sa mga bagay-bagay. Dito nag-uugat ang mga pagkakahiwalay ng mga magkakaibigan at magkakamag-anak. Ang lungkot naman. Paano kaya natin ito maiiwasan?

Sana’y mabasa ninyo ang buong chapter na pinagmulan ng ating verse for the day na 2 Mga Hari‬ ‭6‬:‭17‬. Nagpadala ang hari ng Siria ng maraming sundalong nakasakay sa mga kabayo at karwahe para hulihin si Elisha. Using natural human perception, masasabi natin agad na wala na ngang pag-asa si  Elisha at ang kanyang katulong. Kapag sinugod sila, patay kung patay, ika nga. Pero when Elisha prayed for God to open the eyes of his servant, he saw the true picture. Napakarami palang mga kabayo at karwaheng apoy na nakapaligid kay Elisha!

Siguro’y maaari nating itanong sa ating sarili: What kind of glasses are we wearing that distort our perception of things? Are we wearing glasses of dread or faith? Have our points of view led to broken relationships? Mahirap namang mamuhay nang ganun.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, buksan po Ninyo ang aming mga mata, tenga, at puso so we can see how You are moving among us on this earth and in our lives. The more important things are invisible to the eye and need to be perceived through the Spirit. May we keep silent until we have a deep understanding of what is happening, so as not to cause panic and hatred among us. May we consider even opposing points of view and let Your love reign. Use us as Your instruments of truth and peace. In Jesus’ name, I pray. Amen.

 

APPLICATION

Basahin nang paulit-ulit at isapuso ang Santiago 1:19–20: Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit. Dahil ang galit ay hindi nakakatulong upang ang tao’y maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 12 =