19

NOVEMBER 2026

When Dry Bones Come Alive

by | 202611, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Precious Marian Calvario

Hihingahan ko kayo upang kayo’y mabuhay, at ibabalik ko kayo sa inyong sariling bayan. Sa gayon, malalaman ninyo na akong si Yahweh ang nagsabi nito at aking gagawin.

Ezekiel 37:14

Kapag narinig natin ang salitang kalansay, madalas na unang naiisip natin ay kamatayan o walang buhay. Ito ang vision na ipinakita ng Diyos sa propetang si Ezekiel na simbolo ng kalagayang espirituwal ng Israelites. Imagine, sa maraming taon ay nanatiling tapat ang Diyos sa kanila pero paulit-ulit silang nagrerebelde sa Kanya. Pagsamba sa diyos-diyosan, pagbalewala sa hustisya, at paglapastangan sa templo ng Diyos ang ilan lamang sa kanilang mga kasalanan.

Buti na lang, God is faithful. Sa kabila nito, tapat ang Diyos sa Kanyang covenant sa kanila. At habang nasa harap si Ezekiel ang sangkatutak na kalansay, tinanong siya ng Diyos, “Tingin mo ba pwede pang mabuhay ang mga kalansay na iyan?” Sumagot si Ezekiel, “Panginoon, kayo lamang po ang nakakaalam.” Inutos ng Diyos na magsalita si Ezekiel sa mga tuyong kalansay at makikinig ito. Bibigyan sila ng hininga, laman, at mabubuhay. At nangyari nga! Nabalutan ng katawan ang mga buto ngunit wala pa ring buhay. Kaya’t sinabi ng Diyos na tawagin ni Ezekiel ang hangin. At sa pagdating ng hangin, nabuhay at nagsitayuan ang mga katawan! Ang dating walang buhay, nagkaroon muli ng buhay. Dating walang pag-asa, ngayon ay may naghihintay na kinabukasan. At sinabi ng Diyos, “Hihingahan ko kayo at bubuhayin, tapos ibabalik ko kayo sa sarili ninyong lupain. Makikilala ninyo Ako. Akong Panginoon ang may sabi nito, at gagawin ko ito” (Basahin ang Ezekiel 37:1–14).  

Ano ang kalagayan ng spiritual health mo? Masigla ba o nananamlay? Nasa punto ka ba ng paghahanap ng katotohanan? O gusto mong makilala kung sino ba talaga si God sa buhay mo? God is inviting you to come to Him and get to know Him through His Son Jesus Christ. Will you allow Him to breathe and speak life to you today?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I praise You for You are faithful. I admit that I am a sinner and need Your forgiveness. I welcome Your Son Jesus Christ into my life and ask You to speak life to me. Amen.

APPLICATION

Isulat mo ang isang situation where you feel empty, weary, and dry and gusto mong mabago. Then ask God to refresh you.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 11 =