18

JANUARY, 2021

Pray As You Go

by | 202101, Devotionals, You

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Ivy Catucod

Palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo, sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

1 Mga Taga-Tesalonica 5:17-18

Nakapasok ka na ba sa kitchen ng isang restaurant? Baka makita mong nakapaskil dito ang reminder na “Clean as you go.” Ibig sabihin, gawin na ang paglilinis ng mga pinaglutuan habang ginagawa ang trabaho. Huwag hayaang tumambak ang mga kubyertos at kalderong kailangang hugasan. “Clean as you go.” Sa ibang salita, “Right here, right now.”

Maaaring i-apply ang principle na ito sa prayer. “Pray as you go.” Ibig sabihin, hindi mo kailangang maghintay ng 3 o’clock o 6 o’clock, o bago matulog para mag-pray. Hindi mo kailangang magpunta sa chapel o magkulong sa kuwarto. Kahit anong oras, kahit saang lugar, puwede kang mag-pray. Anuman ang ginagawa mo, you can pause and pray.
Paano ba palaging manalangin? Here are some suggestions:

Paggising sa umaga, magpasalamat ka agad sa Lord for a brand new day. Take time to read your Bible at humingi ng gabay sa Diyos para sa mga gawain sa buong araw. Bago mag-breakfast, magpasalamat sa pagkaing nakahain sa mesa. Bago umalis ng bahay, ipag-pray ang buong pamilya, for protection and provision. Papunta sa eskuwela o sa trabaho, sa pagsakay sa bus, ipag-pray ang driver na maging maingat sa pagmamaneho. Ipag-pray ang mga pasahero na makilala nila si Jesus Christ as their Savior and Lord. Habang nanonood ng news sa TV sa bus, ipag-pray ang Pilipinas ayon sa mga balitang narinig mo. Ipag-pray ang Presidente at ang lahat ng nagse-serve sa gobyerno.

Pagdating sa trabaho, mag-pray na maging productive ka buong araw. Ipag-pray ang mga katrabaho mo—na tulungan sila ng Diyos sa challenges na hinaharap nila. Ipag-pray ang buong kumpanya, na mag-succeed ito sa business, na maging makatao ang treatment sa employees, na maging asset ito sa bayan. Simula pa lang ng araw, ang dami mo nang maipapag-pray.

If you keep your eyes open throughout the day, you can really pray as you go. Napakarami mong maipagpapasalamat sa Lord. And when you’re sensitive to others, marami silang needs na mailalapit mo sa Diyos.

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, turuan Ninyo akong laging manalangin sa buong maghapon.

APPLICATION

Gamitin lagi ang Prayer List feature ng devotional app na ito. Makakatulong ito sa iyo to pray on the go.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 8 =