8

AUGUST 2022

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Alma S. de Guzman

“Mayroon po ritong isang batang lalaki na may dalang limang tinapay at dalawang isda. Subalit sasapat kaya ang mga ito?”

Juan 6:9

May pagkakataon na ba sa buhay mo na ginusto mong makatulong sa nangangailangan ngunit tila kulang ang nasa iyong mga kamay? May isang dalaga ang nagpray na sana ay dumating ang araw na makatulong siya sa iba. Ang hangad niyang ito ay mula sa mga naranasan niyang kabutihan mula sa iba’t ibang tao.

Noong papalapit na ang ika-23 na birthday niya, isinulat niya ang pangarap at tinawag itong Project 23. Gusto niyang makatulong sa 23 tao sa munti niyang paraan. Ngunit alam niyang hindi sapat ang kanyang kakayanan para magawa ito.
Makalipas ang tatlong taon, ang pangarap na makatulong sa 23 ay tinupad ng Panginoon. At laking gulat niya dahil higit pa sa 23 tao ang nabigyan ng tulong. Sa katunayan, umabot sa 200 na mga bata ang naabot; at hanggang sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang programang nag-umpisa sa Project 23.

Sa John 6:1-15 mababasa natin na si Jesus ay naghimala at nagpakain ng higit sa 5,000 tao. Ang tinapay at isda na pinagpray ni Jesus at pinakain sa mga tao ay mula sa isang batang may dalang limang tinapay at dalawang isda. Narito ang dalawang bagay na matututunan natin mula sa kwentong ito:


1. Bagamat galing sa isang bata ang tinapay at isda, pinakita ng Panginoong Jesus na hindi hadlang ang edad, kakayanan, o estado sa buhay para maging pagpapala sa iba. Kahit sinong tao, bata man o may edad na, ay pwedeng gamitin ng Panginoon. Anuman ang nasa iyong mga kamay ay kaya Niyang gawing biyaya para sa iba, higit lalo na kung ang iyong puso ay handang umagapay para sa nangangailangan.


2. Himala ang ginawang pagpapakain ni Jesus sa higit na 5,000 tao. Pinatunayan Niyang Siya ang Diyos ng himala. Matapos Niyang manalangin ay dininig Siya ng Diyos Ama, at pinakain ang mga tao. Ito’y patotoo na ang Panginoon na ating pinanampalatayahan ay isang Diyos na kayang mag-provide ng ating pangangailangan nang siksik liglig at umaapaw at na Siya rin ang nag-iisang tinapay ng ating buhay (John 6:35).

Kung hangad ng puso mo ang makatulong, alalahaning kay Jesus ay walang imposible. Siya ang magpapala at gagabay sa iyo para maging blessing ka sa iba.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, You are a miracle-working God. Thank You for your loving kindness. Make me a vessel of Your love, bless what I have in my hands, and multiply it to be a blessing to others.

APPLICATION

Pray about what you can do to help some people in need. Habang hinihintay ang sagot ng Diyos, encourage someone today. Make Jesus smile and bless others in your own little way.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 12 =