7

AUGUST 2022

Pagod Pero ‘Di Susuko

by | 202208, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Deb Arquiza

Sumagot si Simon, “Guro, magdamag po kaming nagpagod ngunit wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.”

Lucas 5:5

Magdamag nang nangingisda si Pedro at ang kanyang mga kasama pero wala pa rin silang nahuhuli. Sa kabila ng gutom, pagod, at puyat na tiniis nila, mukhang uuwi silang bigo at walang laman ang mga bangka. Finally, nagdecide na si Pedro na umuwi. But unknown to him, alam ni Jesus ang problema niya. Kaya sinabi Niya kay Pedro, “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli.” Sumagot si Simon, “Guro, magdamag po kaming nagpagod ngunit wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat” (Lucas 5:4–5).

Walang sense na bumalik pa sila ulit. Magdamang na sila nangisda pero wala talaga silang nahuli. Pero nakakabilib ang ginawa ni Pedro. Kahit na pagod na pagod na, sumubok ulit siya. Sumunod siya dahil narinig niya si Jesus at nagtiwala siya. Napakaganda ng sinabi ni Pedro: “Pagod na ako Lord, pero dahil sinabi Mo, susubok ulit ako.”

Nang ibaba ni Pedro ang lambat, a miracle happened. Napakaraming isda ang nahuli nilang bigla! Sa sobrang dami, kinailangan na nilang humingi ng tulong para hindi lumubog ang bangka sa bigat. Ang dating bangka na walang laman, ngayon ay punong-puno at nag-uumapaw na. Amazing! Buti na lang at hindi tuluyang sumuko si Pedro. Buti na lang at sumunod siya sa sinabi ni Jesus. Buti na lang at may narinig siyang salita mula kay Lord.

Tulad ni Pedro, alam mo bang pwede mo rin maranasan ang miracle ng Diyos sa buhay mo? Kung napapagod ka na at parang walang nangyayaring maganda sa iyong mga ginagawa, don’t give up! Just when you think all hope is gone, may miracle palang naghihintay para sa iyo. Trust God’s Word concerning your situation, and do whatever He tells you to do. Kahit nakakapagod, makakaya nating huwag sumuko because we have God and His Word.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Lord, help me to hear and obey Your voice whenever I feel like giving up. Strengthen my faith through Your promises. I want to experience Your miracles in my life. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

If you’re feeling tired today, rest ka muna and take time to listen to God. Kung may ipinapagawa si Lord sa iyo concerning your situation, obey God even if it doesn’t make sense.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 8 =