20
MARCH 2024
Proud Workaholic
Subalit alalahanin ninyong si Yahweh na inyong Diyos ang nagbibigay sa inyo ng lakas upang yumaman kayo. Ginagawa niya ito bilang pagtupad niya sa kanyang pangako sa inyong mga ninuno.
Deuteronomio 8:18
“Hi, I’m Aisa. I’m a segment producer from this particular TV station for a decade.” Ito ang pakilala ng isang new mom nang makipag-meet siya sa grupo ng mga bagong mommies na kagaya niya. Natigilan siya matapos ang pagpapakilala dahil dalawang buwan na ang nakakalipas mula nang magresign siya sa trabaho para tumutok sa pagpapalaki ng anak.
Noong nagtratrabaho pa siya, ilang beses siyang nabigyan ng award bilang Employee of the Month, at maging Employee of the year ng kanyang kumpanya. Kilala rin siya bilang workaholic at tuwang–tuwa siyang marinig itong sabihin ng mga katrabaho niya tungkol sa kanya dahil proud siya to be one. Kaya naman, napaisip siya, bukod sa pagiging dating writer at director ng mga palabas sa telebisyon, sino nga ba siya? She felt sad because it seemed like she also lost her identity after losing her job.
Karamihan sa atin ay gaya ni Aisa na malaki ang pagpapahalaga sa trabaho. Hindi naman masama ito lalo na at nagiging good steward tayo sa opportunity na ibinigay sa atin ni God. Pero sabi nga nila, lahat ng sobra ay masama. Kung napapabayaan na ang kalusugan natin dahil sa pagpupuyat sa trabaho or nagse-stress eating tayo kapag may kailangan i-troubleshoot sa office, then hindi na ito pleasing kay God. This is because we have to glorify God with our body, which includes taking care of it (1 Corinthians 6:20). At kung feeling natin, tulad ni Aisa, na parang wala nang saysay ang buhay natin kapag nawala ang trabaho natin, then we have to check our hearts dahil malamang, naging idol na pala natin ito.
If we do things with our own strength, mapapagod at magkukulang lang tayo. But if we depend on God, then He will bless the work of our hands.
LET’S PRAY
Panginoon, isinusuko ko po ang puso ko sa Inyo. Sorry po kung mas inuna ko ang mga responsibilidad ko more than trusting You. Thank You for reminding me once again na hindi ko po kaya ng wala Kayo. I claim Your grace para matutunan kong unahin Kayo lagi more than anything else. In Jesus name, I pray. Amen.
APPLICATION
Marami ka bang tasks for the week sa trabaho, bahay, or school? Isulat ang mga ito sa ating prayer list at ilapit mo ito kay God. He will help you do them as He blesses the works of your hands.