28
JUNE 2024
Push or Stay Put
Pagkaraan ng lahat ng ito, si Abram ay nagkaroon ng isang pangitain. Sinabi sa kanya ni Yahweh, “Abram, huwag kang matakot. Ako ang iyong kalasag na mag-iingat sa iyo. Bibigyan kita ng napakalaking gantimpala.”
Genesis 15:1
Are you working toward a goal or a dream na pakiramdam mo, nilagay ni Lord sa puso mo? Pero maraming buwan o taon na ang lumipas at hindi pa rin dumadating ang fulfillment nito.
Puwede kang humugot ng inspiration kay Abraham. Sabi sa Genesis 12 na inutusan siya ng Panginoon na umalis sa nakagisnang bayan at pumunta sa Canaan. Kapag ginawa niya ito, ipinangako ng Diyos sa kanya na magkakaroon siya ng maraming anak at apo, at magiging malaking bansa ang mga ito. Pagpapalain siya’t gagawing dakila ang pangalan at magiging pagpapala sa marami (v. 1-3). Noong natanggap ni Abraham ang utos at pangakong ito, matanda na siya’t mukhang imposible nang magkaanak. And yet he believed in God’s promises kaya’t pumunta siya ng Canaan.
Pero alam mo ba na nagsimula ang journey ng pamilya nila pa-Canaan sa tatay niyang si Terah? Sa dulong bahagi ng Genesis 11, mababasa ang tungkol dito. Kaya lang, nang marating nila ang Haran, nagdesisyon si Terah na mag-stay doon. Hindi niya narating ang Canaan at doon na sa Haran namatay.
Maganda ang buhay sa Terah, but God spoke to Abraham to let him know that a better future awaited Him in Canaan. Abraham had to choose between staying in a place that was comfortable enough, or following God’s instructions to go out to a strange land. As we read in the Bible, Abraham’s faith was rewarded — and this reward carried over to many generations of his family as well. Kapag napapagod ka na, tandaan mo na you will not see the fulfillment of the amazing destiny that God set aside for you kung mag-stay put ka sa lugar na “puwede na.” Kaya push lang nang push hanggang marating ang lugar na tinuro at ipinangako sa iyo ng Diyos.
LET’S PRAY
Lord, napapagod na ako. Natatakot na rin akong umasa kasi baka ma-disappoint lang ako sa huli. Give me the faith to believe that when You say something will happen, it WILL happen. Tatandaan ko that You are the ultimate promise keeper.
APPLICATION
Ilista ang top 3 goals mo para sa buwan o taon na ito. Isulat ang practical steps na puwedeng gawin para ma-fulfill ang goal na ito. Isama sa iyong daily prayer points ang top 3 goals na ito.