21

JULY 2023

R U a Tissue Hoarder?

by | 202307, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Aliya L. Parayno

Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.

Kawikaan 11:25

Nakapanood ka na ba ng news clips ng empty supermarket shelves resulta ng panic buying? How about TikTok videos ng mga nagho-hoard ng tissue rolls? Meron pa ngang nag-aagawan ng packs and packs of tissue, di ba? Bakit nga ba kasi kapag may paparating na natural calamity tulad ng bagyo, o lockdowns dahil sa pandemya, rolls and rolls of tissue ang hino-hoard ng mga tao? Maiintindihan natin ang pag-imbak ng canned goods, candles, posporo, gatas, itlog, at bigas. Pero … tissue?

Ang takot na maubusan ay parte ng human nature. Takot tayong maubusan ng pera, ng grocery supplies, ng ayuda, ng slice ng cake sa birthday party, at ng ticket kapag may piso sale ang mga airlines. Natataranta tayo dahil feeling natin, kapag naubusan tayo, wala nang pag-asang makakuha pa.

Imagine a world where people leave some of what they need knowing that other people will benefit from them. Mas masaya at mas makakampante siguro tayo kung alam nating may matitira para sa atin. Pero upang ma-achieve ang ganitong mundo, kailangang mag-contribute din tayo toward this kind of lifestyle. ‘Yung we only get what we need.

Huwag tayong matakot magbigay at tumulong dahil the more we give, the more we will be blessed gaya ng sabi ng Kawikaan 11:25. Let’s remember that our ultimate Source is the King Himself. He owns everything! Siya ang nagpo-provide sa atin kaya’t never talaga tayong mauubusan. Let us be in the ministry of cheerful and active generosity, dahil sabi sa Bible, “Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan” (2 Mga Taga-Corinto 9:7).

Let us not be a tissue hoarder.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Lord my Provider, alisin po Ninyo sa akin ang pagiging selfish. Buksan po Ninyo ang aking puso at ang aking mga kamay upang lagi akong handang tumulong sa iba. Ipaalala Ninyo sa akin na ang tumutulong sa iba ay siya ring tutulungan.

APPLICATION

What stuff do you usually hoard? Are they essentials like food and clothes? Or are they mundane things like colored pens, designer bags, and shoes? Give away some of these to those who need them.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 8 =