7

JUNE 2023

Tunay na Satisfaction

by | 202306, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Timmy Yee

Sinabi ni Jesus, “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.”

Juan 6:35

Excited na si Raffy dahil nakuha na niya ang sales bonus for this year. “Here I come, new Cellphone 14!” excited niyang binanggit sa kanyang girlfriend habang magkausap sila sa phone. “Ang saya-saya ko! I’ve waited for this for almost a year,” dagdag pa ni Raffy. Pagdating sa cellphone shop inilabas ng sales rep ang Cellphone 14 at inabot ito kay Raffy. Pagka-check, binayaran na niya sa cashier. Pag-abot ng resibo, may ibinulong ang kahera kay Raffy, “Sir, lalabas na po ang Cellphone 15.5 next month, ipon na po kayo.” Tulalang lumabas ng shop si Raffy, hindi makapaniwalang may lalabas na agad na mas bago sa kanyang nabiling cellphone.

Sa anong bagay mo binabatay ang iyong kaligayahan at satisfaction? Sa cellphone ba tulad ni Raffy? Sa achievements at yaman? Sa dami ng master’s at doctorate degrees na iyong nakuha? Don’t get me wrong; success is a good thing. Growth is something that we should aspire for. Pero kung ang kasiyahan ay nakabase sa mga bagay na ito, then we will never be satisfied enough because these are moving targets. There will always be a newer car, a more lucrative career, and a more successful person than us. In the long run, hindi mabibigay ng mga bagay na ito ang tunay na kasiyahan.

Sinabi ni Jesus na Siya ang tinapay na nagbibigay-buhay. Kapag lumapit tayo sa Kanya, hindi tayo magugutom at mauuhaw. In short, we will be truly satisfied. If we are in Christ, we have more than enough. And we don’t have to prove our worth to anyone through the things that we have or the things that we’ve achieved. Kung ang hanap mo ay tunay na satisfaction, lapit ka kay Jesus.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, pagod na akong mahanap ng satisfaction. Ayaw ko nang magpagod para lang ma-achieve ito. Lumalapit po ako sa Inyo, Jesus, para bigyan Ninyo ako ng tunay na kasiya-siyang buhay.

APPLICATION

Kung ‘yan ang panalangin mo, that’s a good first step to finding real satisfaction. Alamin mo pa kung gaano ka kamahal ni Jesus by reading the Bible regularly.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 6 =