17

FEBRUARY 2025

Random Acts of Kindness Day 1

by | 202502, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Beng Alba-Jones

Have you heard of the Random Acts of Kindness Day? Yes, meron niyan. Pakinggan natin ang first part ng ating short series na “Random Acts of Kindness” and be encouraged to be kind each day.

Kaya nga, sa lahat ng pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

Mga Taga-Galacia 6:10

How about making the world a little brighter today? Today is the perfect day to do it kasi ang araw na ito ay Random Acts of Kindness Day. Nag-start ito sa America, na umabot sa New Zealand, na sana ay kumalat sa buong mundo. After all, every nation and every person could always use some kindness — to give and receive it.

Kung kindness na rin lang ang pag-uusapan, alam ba ninyong may isang sikat na kuwento tungkol sa Good Samaritan? Jesus told this story about a man who showed kindness to a stranger. Imagine na may naholdap at nabugbog na iniwan sa daan. May dalawang dumaan sa harap niya — mga taong-simbahan pa! — pero wala ni isa sa kanila ang huminto para tumulong. Until the Good Samaritan came along. Binandage niya ang mga sugat ng lalaki at dinala kung saan siya inalagaan. Bago pa siya umalis, ibinilin ang tinulungan sa tagapag-alaga. Sinabi niya sa Luke 10:35 (NLT), “Take care of this man. If his bill runs higher than this, I’ll pay you the next time I’m here.”

Extra effort talaga ang kindness na ipinakita ng Good Samaritan. Jesus said that this is what being a neighbor is all about, ‘yung nakakatulong ka sa iba. Is God asking you to be a Good Samaritan to somebody today? Maghanap ka ng chance to celebrate today’s Random Acts of Kindness Day. Hindi ka lang makakatulong sa iba, kundi pati ang Diyos at ang sarili mo, siguradong magiging masaya.

Do an act of kindness today. Share this devotional to your family and friends and join us again tomorrow for the series “Random Acts of Kindness.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, thank You for teaching us about what being a good neighbor is all about. Pero ultimately, Ikaw po ang aking model for kindness. Everywhere You went, You showed people kindness by healing, feeding, teaching, and caring for them. Amen.

APPLICATION

Do an act of kindness for a stranger today. Kung nasa pila ka sa grocery, paunahin mo nang magbayad yung mas konti ang bibilhin. Kapag kumain sa labas, bigyan mo ng tip ang nag-serve sa iyo. Yung security guard ng office building o tanod ng barangay ninyo, abutan mo ng tubig at samahan mo na rin ng meryenda. Be as generous as you can.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 6 =