23

APRIL 2023

Reading God’s Word: A Spiritual Discipline (Part 1)

by | 202304, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Michellan Alagao

Welcome back sa ating refreshing series this week called “Love the Word of God.” Let’s listen now to the Word of God.

Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay…

2 Timoteo 3:16

Sa pagkain, meron tayong favorite, ‘yung masarap para sa atin. Meron din tayong hindi gaanong gusto, ngunit mabuti sa katawan. May kilala akong hate na hate ang ampalaya at mahilig sa matamis na pagkain, tulad ng cake at ice cream — lalo na ‘yung strawberries and cream na flavor! Pero dahil nasa lahi niya ang diabetes, at gusto niyang maging healthy, kumakain pa rin siya ng ampalaya regularly at hindi siya araw-araw nagde-dessert at sweets. 

May pampisikal na pagkain sa araw-araw, at meron ding pang-espirituwal. Alam nating lahat na reading the Bible regularly is important, dahil ito ang ating spiritual food. At tulad ng pagkain, meron din tayong favorite na verses sa Bible, at meron ding parts ng Bible na hindi natin gaanong gusto dahil “boring” o mahirap basahin at intindihin.

Ngunit kung gusto nating maging spiritually healthy, dapat “complete and healthy diet” din tayo sa ating Bible reading. We cannot be selective with the Bible, picking and choosing only the “sweet words” that make us happy. Minsan, kailangan natin ng “bitter words” — serious reminders, rebukes, and calls to repent. Sabi nga ni Apostle Paul, “All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness” (2 Timothy 3:16, NIV). Remember: ALL Scripture, not SOME Scripture. Kaya halika, buksan na ang iyong Biblia!

We all need the Word of God because it serves as a reminder, rebuke, correction, and training for us. Kaya here’s a reminder: Tune in again tomorrow for the last part of our series “Love the Word of God.”

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, tulungan po Ninyo ako na ma-develop ang discipline of Bible reading. Tunay nga po na Your Word gives strength and nourishment to my spirit.

APPLICATION

May passage ba ng Bible na struggle para sa iyo na basahin? Ito ba ay boring, mabigat, o mahirap intindihin? Maybe now is the time to read that part. Pray and ask the Holy Spirit for guidance as you do so. What is God trying to tell you with this passage?

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 3 =