30

DECEMBER 2022

Reconciliation Before Resolutions

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Joshene Bersales

Kaya’t kung mag-aalay ka ng handog sa dambana para sa Diyos at naalala mong may sama ng loob sa iyo ang iyong kapatid, iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Pagkatapos, magbalik ka at maghandog sa Diyos.

Mateo 5:23–24

Kahit aantok-antok pa dahil napuyat sa panonood ng fireworks, maaga pa ring gumising si Ren para isulat ang kanyang New Year’s resolutions. Gamit ang kanyang paboritong ballpen, inisa-isa niyang isulat ang usual niyang inililista tuwing January 1. At sa dulo ng listahan, in all caps, he wrote: BUMALIK SA PRAISE BAND.

Matagal tinitigan ni Ren ang kanyang sinulat. Again, bumalik ang magkahalong lungkot at guilt sa kanyang puso. Naalala na naman niya kasi kung bakit siya tumigil sa pagso-song leader sa church. Nakatampuhan kasi niya ang bassist ng banda. Since then, hindi na siya ulit nag-practice kasama ang grupo.

Pero bagong taon na, sabi ni Ren sa sarili. It’s time for me to start serving in the ministry again. But he still can’t get rid of the feeling na parang hindi sincere ang kanyang gagawin. With a heavy heart, Ren started his morning devotion and was led to read Matthew 5. Para siyang nabilaukan sa sinabi ng verses 23–24: “If you enter your place of worship and, about to make an offering, you suddenly remember a grudge a friend has against you, abandon your offering, leave immediately, go to this friend and make things right. Then and only then, come back and work things out with God” (MSG). Jesus’ instruction is loud and clear: “Makipagbati ka muna sa nakaaway mo bago ka mag-offer ng kahit ano sa Akin.”

Ren quietly asked Jesus for forgiveness for his pride. Humingi rin siya ng tulong para makipagbati sa kanyang nakatampuhan. After praying, Ren picked up his phone, searched for his friend’s contact number, and started composing an apology message.

Do you want to start offering something to the Lord next year, pero meron ka pang naiwang di-kabati from this year? Take the time to restore your relationship with that person. Doing this will make your offering pleasing sa Panginoon.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Jesus, please help restore my relationship sa taong nakagalit ko. Give me a humble heart to admit my mistakes and reconcile with them. Amen.

APPLICATION

Have you lost touch with someone because of a misunderstanding? Ask Jesus to help you reach out to this person for a possible reconciliation. Need someone to talk to? Click on the chat icon to talk to one of our volunteers.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 7 =