7

MAY 2026

Resurrection ni Jesus: Fact o Fake News?

by | Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Peter Adelberth N. Ocampo

At kung si Cristo’y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya.

1 Mga Taga-Corinto 15:14

Totoo bang nabuhay muli si Jesus? Hindi ito fairytale. Hindi rin urban legend. Sa dami ng tanong ngayon sa mundo, ito siguro ang pinaka-crucial na tanong ng Cristianismo. Kasi kung hindi Siya nabuhay muli, balewala ang lahat — ang Bible, ang simbahan, ang pananampalataya natin.

Pero may matibay na ebidensya. Una sa lahat, documented sa 1 Corinthians 15:36 na mahigit 500 katao ang nakakita kay Jesus na nabuhay muli. Hindi ito panaginip dahil may interactions pa, may kainan, may usapan. Parang sa korte: kapag maraming eyewitnesses na consistent ang kuwento at walang motibong magsinungaling, matibay ang kaso.

Pangalawa, walang bangkay na nahanap.The tomb is empty. Kung may gustong magpatunay na fake ang resurrection, all they had to do was produce the body. Pero wala. At ang mga unang saksi? Mga babae na sa kultura ng panahong iyon, ay hindi tinatanggap bilang credible witness. Kung script lang ito, hindi magiging ganyan ang pagkakasulat.

Pangatlo, ang pagbabago sa mga disipulo ay nakakagulat. Mula sa duwag at takot, naging matapang na handang mamatay. Tanungin mo ang sarili mo: mamamatay ba ang isang grupo ng mga tao para sa kasinungalingan na sila mismo ang may gawa?

At hindi lang Christians ang nagsabi nito. Maging sina Josephus at Tacitus na mga Roman historian na hindi mananampalataya ay nagpatunay na talagang nabuhay at namatay si Jesus. Kung totoo ang pagkabuhay Niya, totoo rin ang lahat ng sinabi Niya: may kapatawaran, may bagong buhay, at may pag-asa. The resurrection is not just news. It’s good news.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, thank You because You did not leave us in doubt. May saysay ang aming pananampalataya dahil totoo Kang nabuhay muli. Bigyan Mo ako ng lakas ng loob na mamuhay ayon sa katotohanang ito, at i-share ito sa iba. Amen.

APPLICATION

Kung totoo nga ang Resurrection, ito ang pinakamahalagang katotohanang dapat mong kilalanin. Investigate. Basahin ang Gospels. Huwag mong hayaang matapos ang buhay mo na hindi mo ito sineryoso.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 3 =