26
MAY 2021
Right vs. Right
Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo’y nagtitiwala.
Isaias 26:3
It’s easy to choose between right or wrong. Pero paano kapag naharap ka sa sitwasyon na parehong tama ang iyong pagpipilian? Halimbawa, gusto mong maging masunuring anak at kunin ang nursing course which your parents chose for you, pero pangarap mo talagang maging sikat na news anchor. Mamimili ka kung “honoring your parents” ba or “fulfilling your dreams.” So, anong pipiliin mo sa right vs. right?
Nahaharap tayo sa iba’t ibang senaryo na gaya nito. Mahirap mamili lalo na at bawat sitwasyon ay nagbibigay ng valid reason kung bakit dapat natin itong piliin. Sa ganitong mga pagkakataon, paano nga ba tayo mamimili?
Una sa lahat, let’s take time to seek the will of God. Huwag nating madaliin ang pagdedesisyon. Ipanalangin natin ito. Magtiwala tayo na gagabayan Niya tayo. Hintayin natin ang sagot ng Diyos sa pamamagitan ng Bible verses. God speaks to us as we read His Word. Minsan naman, sumasagot Siya sa pamamagitan ng sitwasyon, o gumagamit Siya ng mga tao to give us godly advice.
How do we confirm that it is from Him? There’s peace in the will of God. Sinabi ng propetang si Isaias, “Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo’y nagtitiwala.” Magtiwala ka sa Panginoon na pinagmumulan ng kapayapaan (2 Mga-Taga Tesalonica 3:16). Kaya if you are in a crossroad right now, take a pause and say this prayer.
LET’S PRAY
Lord, alam Ninyo ang pinagdaraanan ko ngayon. I ask You, Holy Spirit, to guide me as I make a decision. Increase my faith so that I may believe and follow Your will. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Isulat ang pros and cons ng dalawang bagay na pinagpipilian mo ngayon. After writing, lift up to the Lord the paper as a sign that you are seeking His help in decision making. Wait for God’s reply and trust that He will show what is best for you.