22
MARCH 2021
Road Signs ni God
Share with family and friends
Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay, kautusan ni Yahweh ang sinusunod araw-araw.
Mga Awit 119:1
Isang tourist guide ang nagmamaneho ng sasakyan patungo sa lugar na papasyalan ng mga tourist. Habang nasa daan sila, marami silang nadaanang traffic signs at signboards. Sabi ng isang turista, “Ang dami namang traffic signs at signboards.”
Sagot ng tourist guide, “Iyan pong mga road sign ay para mapadali ang daloy ng trapiko at mas madali tayong makakarating sa ating paroroonan.”
Sabi naman ng isa pang turista, “Hindi naman sumusunod ang ibang drivers kaya mas nagta-traffic lang.”
Hindi nga mahirap isipin kung ano ang mangyayari sa commuters kung walang road signs and traffic symbols. O di kaya naman ay may road signs pero walang drivers na sumusunod dito. Malamang may maliligaw, mawawalan ng direksyon, at maaaksidente. At hindi malayong may magkagulo at mag-away dahil sa sobrang traffic. Ayaw nating sumunod sa batas trapiko kasi pinipili nating mag-iba ng direksyon o mas gusto nating mag-shortcut para mapadali ang pagbibiyahe.
Ang pagsunod sa batas trapiko ay katulad din ng pagsunod natin sa Panginoon at sa Kanyang mga salita. The Word of God serves as road signs for us. Gaya ng road signs, God’s Word gives us direction, warning, and guidance. If we violate the traffic signs of God, there will be consequences. Pero kapag sinunod natin ang direction Niya, we will reach a desirable destination. Kaya let’s decide to obey and follow God’s written Word. Let’s choose to live each day under the rule of God’s Word. Mas masarap ang bunga ng pagsunod sa Diyos.
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
Lord, gusto kong sumunod sa Inyong mga Salita pero minsan pinipili ko ang sarili kong gusto. Bigyan Ninyo ako ng desire na gawin ang kalooban Ninyo. Thank You, Jesus, sa promise Ninyo sa Philippians 2:13 na You are always at work in me to make me willing and able to obey Your own purpose. Thank You, Holy Spirit, for leading me always toward God’s will and for making me obedient. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Gumawa ng isang sign na makikita mo araw-araw as a reminder to read and obey the Word of God regularly. Isulat mo rin ito: “God is always at work in me to make me willing and able to obey His own purpose.” Ang Diyos ang kikilos sa iyo para masunod mo ang Kanyang Salita.