30

DECEMBER 2024

Sa Gitna ng Pagbabago

by | 202412, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Michellan Alagao

Si Jesu-Cristo ay hindi magbabago kailanman; siya ay kahapon, ngayon, at bukas.

Mga Hebreo 13:8

May mga tao na mahilig sa change, ‘yung paiba-iba ng haircut, style, trabaho, o kung anu-ano pa sa buhay nila. Nandiyan din ‘yung mga taong ayaw sa pabago-bago. Sila ‘yung mahilig sa routine at predictable pagdating sa likes and dislikes, tulad ng pagkain, movies, fashion, atbp. Which group do you belong to?

Whether or not you like change, agree tayong lahat that change and transitions are a part of life. Change can be exciting — bagong girlfriend or boyfriend, moving to a new country — or it can be devastating, like if a loved one dies or mawalan ka ng trabaho. 

Kung hirap kang mag-adjust sa transitions at pagbabago, madaling madala sa takot at pangamba. It would be good to remember that “Jesus Christ is the same yesterday and today and forever” (Hebrews 13:8). Hindi Siya nagbabago at puwede nating i-build ang buhay natin sa katotohanan na ito. We can look to Jesus for stability in our lives. Kahit anong mangyari, hindi nagbabago si Jesus. Mahal Niya tayo, and we can look to His Word for guidance. 

On the other hand, for those who embrace change, let Jesus be your anchor. May times na masaya ang pagbabago, lalo na kung ito ay may kasamang improvement sa iyong living situation, job opportunities, o love life. Madaling magpadala sa mga “shiny new things” but don’t let your foundations be shaken; let your faith be firm and rooted in Jesus. 

Whether you’re a fan of change or not, tandaan na ang iyong faith ay hindi nakabase sa mga bagay na pabago-bago, kundi sa character ni Jesus na hindi nagbabago. In Christ, kaya mong i-navigate ang changes sa buhay, with endurance, hope, and love.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Father, tulungan po Ninyo kami na i-anchor ang aming buhay sa unchanging nature ng Inyong Anak na si Jesus. May we find discernment, peace, and strength sa katotohanan ni Jesus.

APPLICATION

Are you facing a major change in this season of your life? Seek God’s guidance and wisdom through His Word, as well as prayerful and practical consideration.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 6 =