3

JANUARY 2023

Sa Malalim na Pool

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Alex Tinsay & Written by Honeylet Adajar-Velves

On this third day of January, ipagpatuloy natin ang ating series na “New Ways to Enjoy Life with Christ”.

Si Yahweh ang mangunguna sa iyo. Sasamahan ka niya. Hindi ka Niya bibiguin o pababayaan man, kaya’t huwag kang matakot ni panghinaan ng loob.

Deuteronomio 31:8

First time makakita ng batang si Eli ng swimming pool at kahit na gusto niyang mag-swimming, natatakot siya dahil hindi niya alam kung gaano ito kalalim. Lulubog kaya ako? Paano kung malunod ako? Ito ang mga tanong na tumatakbo sa isip niya. Pero nang makita niyang nasa pool ang kanyang daddy, naalis ang kanyang takot. Kaya, he quickly jumped to his father knowing he’d catch him. Kahit sa malalim na bahagi ng pool, nakakatayo pa rin ang kanyang daddy. Kapit na kapit si Eli sa kanyang daddy, pero unti-unti na siyang bumitaw nang tinuturuan na siyang lumangoy ng kanyang ama. Later on, natuto nang mag-swimming ni Eli sa patnubay ng kanyang daddy.

Parang isang malawak at malalim na pool ang bagong taon. Maraming puwedeng mangyari at wala tayong katiyakan kung lulubog ba tayo at malulunod sa pagsubok na makakaharap natin. Pero gaya ni Eli, meron tayong Daddy na puwedeng kapitan at pagkatiwalaan. Higit Siyang mas mataas sa anumang malalaking problemang maaaring dumating, kaya sure tayo na hindi tayo malulunod. Sabi nga sa Bible, “Do not be afraid or discouraged, for the LORD will personally go ahead of you. He will be with you; he will neither fail you nor abandon you.” (Deuteronomy 31:8 NLT).

What’s God’s Word for you this year? Feeling mo ba wala kang kasiguraduhan? Anuman ang pinagagawa Niya, tiwala lang! Huwag kang matakot ni panghinaan ng loob. Hindi ka Niya iiwan at pababayaan.

This new year, let us enjoy life because we are in Christ. Tune in again tomorrow para sa last part ng ating series na “New Ways to Enjoy Life with Christ.”

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Panginoon, thank You po that we can always count on You. Even sa panahon at mga bagay na wala kaming kasiguraduhan, alam namin na magiging matagumpay kami dahil kasama namin Kayo palagi. Help me to trust in You fully in every aspect of my life. In Jesus’ name I pray. Amen.

 

APPLICATION

Na-encourage ka ba ng devotion ngayon? You can share this devotional sa iyong social media accounts para maka-encourage ka rin ng iba.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 13 =