7

JUNE 2026

Saan Galing Si God?

by | 202606, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Peter Adelberth Ocampo

Simulan natin ang series na “Legit Ba si God?” sa tatlong importanteng tanong na madalas nating naririnig: Saan ba nanggaling ang Diyos? Ano ang Trinity? At bakit hinahayaan Niya na may masamang nangyayari? Tara, alamin natin ang mga sagot mula sa Biblia.

Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng bagay, na nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya.

Mga Taga-Colosas 1:16

Sa isang college hangout, nagtanong si Adel, “Saan galing si God?” Napunta lang sa tawanan ang usapan, parang tanong kung ano ang nauna — manok o itlog​

Hindi ito simpleng palaisipan. Ang sagot ay konektado sa isang mahalagang prinsipyo: The Law of Causality — na ang lahat ng bagay ay may pinagmulan.​

Ang lapis ay galing sa kahoy na galing sa puno.
Ang mataas na grades ay bunga ng sipag at tiyaga sa pag-aaral.​
Ang malusog na katawan ay resulta ng tamang pagkain at exercise.​

Pero habang iniisip ito ni Adel, may isang bagay siyang hindi maunawaan: kung lahat ng bagay ay may pinagmulan, sino ang pinagmulan ng Diyos?​

Sa Bible school niya na-realize na merong dahilan kung bakit ang Diyos ay Diyos. Hindi Siya sakop ng oras o ng batas ng mundo. Kung may lumikha sa Kanya, hindi na Siya ang Diyos. Siya ang simula ng lahat ng bagay, ngunit Siya mismo ay walang simula at walang katapusan. Siya ang Maylikha, ngunit hindi Siya kailanman nilikha.​

Madalas tayong naghahanap ng paliwanag para sa lahat, pero hindi natin kailangang maintindihan ang lahat para maniwala. Ang mahalaga ay kilalanin natin ang Diyos na lumikha sa atin at may plano para sa buhay natin.​

Salamat sa pagsama sa atin sa unang bahagi ng “Legit Ba si God?” Bukas, pag-uusapan natin ang tungkol sa Trinity. Ano ba talaga ito at bakit mahalaga sa ating pananampalataya? Huwag palampasin!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat dahil Kayo ang pinagmulan ng lahat. Wala Kayong katulad, at Kayo ang Alpha at Omega, ang simula at wakas. Tulungan Ninyo akong lumalim sa pananampalataya at magtiwala sa Inyo ng buong puso, kahit hindi ko laging nauunawaan ang lahat ng bagay. Amen.

APPLICATION

We may not fully know Him, but we can truly know God by seeking Him through His Word, through prayer, and through living a life that honors Him. The more we seek Him, the more we understand His character, His love, and His plans for us.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 2 =