26

APRIL 2024

Saan Ka Humuhugot ng Lakas?

by | 202404, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

Sinabi ni Pedro, “Panginoon, kung talagang ikaw nga iyan, papuntahin mo ako diyan sa kinaroroonan mo sa ibabaw ng tubig.”

Mateo 14:28

Kapag bakasyon, pami-pamilya ang nag-eenjoy sa may swimming pool. Karaniwang makikita ang mga tatay o nanay, kasama ang kanilang mga chikiting na tinuturuan nilang lumangoy. May memory ba kayo ng time na pinatalon kayo ng inyong magulang sa tubig kung saan sila naghihintay para saluhin kayo? More often than not, tuwang-tuwa naman na tumatalon ang bata sa nag-aayang magulang. Bakit? Kasi tiwalang-tiwala sila na masasalo sila. Confident sila na their parents will take care of them; their safety is guaranteed.

Ganito rin kaya ang ipinahihiwatig ni Peter sa Matthew 14:28? Mula sa kanilang bangka, napansin ng disciples si Jesus na naglalakad sa tubig sa gitna ng isang storm, ngunit hindi sila sure. Malinaw sa request ni Peter na may pinaghuhugutan ang kanyang tapang. “Kung talagang ikaw nga iyan,” ang sabi niya. Ang confidence niya ay wala sa sarili niyang kakayahan, wala sa skills ng mga kasama niya, kundi nasa tumatawag sa kanya. May tiwala si Peter na magagawa niya ang hindi natural sa kanya o ang imposibleng gawin, at inaasahan din niya na hindi siya mapapahamak kung si Lord ang nag-uutos sa kanya. At sa halip na i-discourage siya ni Lord na humakbang sa panganib, sumagot si Lord, “Halika!”  By this time, na-witness na ni Peter ang kadakilaan ni Jesus at unti-unti na ring nabubuo ang tiwala niya sa Panginoon. Alam niya na si Lord ang kanyang tunay na pinaghuhugutan ng lakas!

May assignment ka ba from the Lord? Nao-overwhelm ka ba? Saan o kanino ka humuhugot ng lakas? Turn your eyes upon Jesus. He is worthy of our trust. Kayang-kaya Niyang bantayan ang iyong kapakanan. Kayang-kaya Niyang pangyarihin sa iyo at sa paligid mo ang kinakailangan para matupad mo ang gusto Niya para sa iyo.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, salamat sa Iyong pangako na Ikaw ang kumikilos sa buhay ko para gustuhin at gawin ko ang kalooban Mo. Hindi ko man maisip kung paano, buo ang tiwala ko na You will enable me. In Jesus name, I pray. Amen.

APPLICATION

Bakit hindi mo i-memorize ang Philippians 4:13? Ang source of strength ni Peter ay source of strength din ng sumulat ng  Philippians na si apostle Paul.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 14 =