7

JULY 2026

Saan Nagsisimula ang Karunungan?

by | 202607, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Precious Marian Calvario

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman.

Mga Kawikaan 9:10

Naalala mo pa ba ang trend sa TV na patalinuhan? Game shows tulad ng Battle of the Brains, Who wants to be a Millionaire?, at Game KNB? to name a few. Pautakan at pagalingan magmemorya ng mga detalye sa history, general knowledge, science, math, at iba pa. Talaga naman mapapabilib ka sa nanalong grand champion dahil hindi biro ang hirap ng mga tanong.

Sa Bible, hindi lamang talino kundi pati rin karunungan ang mahalaga sa makabuluhang pamumuhay. Ang talino ay ang kakayahan nating matuto habang ang karunungan ay ang kakayahan nating gamitin nang tama ang talino at magkaroon ng mabuting hatol. Saan nga ba nagsisimula ang karunungan? Proverbs 9:10 (NIV) tells us, “The fear of the Lord is the beginning of wisdom, and knowledge of the Holy One is understanding.”

Meet the Hebrew midwives Shiphrah and Puah in Exodus 1. Inutusan sila ng pharoah na kapag may nanganganak na Hebrew, kapag babae ang sanggol ay buhayin pero kung lalaki ay patayin. Ngunit dahil may takot sa Diyos ang midwives, hindi nila sinunod ang utos ng hari. Sa halip ay binuhay ang mga sanggol na lalaki. At nang balikan sila upang tanungin kung bakit binuhay nila ang mga sanggol na lalaki, sumagot sila ng, “Madali pong manganak ang mga babaeng Hebreo kumpara sa mga Egipcia. Kaya bago pag kami dumating ay naisilang na nila ang kanilang mga anak” (Exodo 1:15–19, MBB). Kaya kinalugdan ng Diyos ang mga kumadrona o midwives at pinagkalooban sila ng sarili nilang pamilya.

God calls us to value not only knowledge but also wisdom. And wisdom starts with the fear of the Lord. Ask God to give you wisdom for He gives it generously without reproach (James 1:5).

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, tulungan Ninyo kaming gamitin ang aming talino nang naaayon sa Inyong kalooban at Salita. Imbes na sang-ayunan kung ano ang uso o kung ano ang sinasabi ng majority, tulungan Ninyo kaming maging mapanuri at mamuhay nang kalugud-lugod sa Inyo. Amen.

APPLICATION

Hingin mo kay Jesus na palakasin Niya ang loob mo para magawa mo ang tama.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 4 =