17

JUNE 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated and Written by Felichi Pangilinan Buizon

Sumangguni si David kay Yahweh, Lalabanan ko ba ang mga Filisteo? Matatalo ko ba sila?” tanong ni David.

2 Samuel 5:19

 

Kakaluklok pa lang kay David bilang bagong hari ng Israel nang tinipon ng mga Filisteo ang mga hukbo nila upang siya ay digmain. Nang malaman ni David na palusob na ang kaaway, bumaba siya sa kuta at sumangguni sa Diyos. Ang kuta ay isang lugar na pinatibay para maging ligtas sa panganib. Sa pagsangguni ni Haring David sa Diyos, ipinapahayag niya na ang Diyos ang kanyang banal na kuta. Sa kasalukuyan, gaano karaming namumuno, lider, o padre de pamilia ang nananalangin tuwing may hamon na hinaharap? Tila may kakulangan sa role model ang henerasyon ngayon. Nagiging last resort na ang pagsangguni sa Diyos. Mas natural sa atin ang kumilos agad kaysa lumapit muna kay Lord.

Ang kapansin-pansin sa kuwento ni Haring David ay ang paglapit niya sa Diyos muli. Sa unang pagsangguni binigyan siya ng “go signal” ng Panginoon at pinangakuan sila ng tagumpay. At ganoon nga ang nangyari, nanalo ang Israel, subalit muling lumusob ang mga Filisteo. Sa 2 Samuel 5:22, sumangguni siya uli. Imbes na lumobo ang bilib sa sarili dahil sa tagumpay na natikman, kinilala ni Haring David ang tunay na Hari at Commander ng hukbong Israelita. Hindi niya pinangunahan si Lord. Hindi siya nag-assume. Buti na lamang at sumangguni siya muli dahil ibinigay ni Lord sa kanya ang kakaibang military strategy para malupig ang kaaway. (2 Samuel 5:17-25.)

Hindi kataka-taka na ugali na ni David na sumangguni sa Panginoon. Hindi ba’t siya ang sumulat ng Awit 23 kung saan kinikilala niya ang Diyos bilang kanyang Pastol? Gabay sa bawat yapak, bawat liko. Ang Mabuting Pastol ay hindi naiistorbo sa maya’t mayang pagsangguni ng kanyang mga tupa. Naghihintay lang Siyang ituro sa atin ang tamang daan. Sasangguni ka na ba?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat na Kayo ang powerful God who answers prayer. Oras-oras handa Kayong makinig sa amin. Ituro Ninyo sa amin ang tamang daan tuwing may kinakaharap kaming hamon. Tulad ni Haring David, lagi kaming sasangguni sa Inyo para sa ikaluluwalhati ng Inyong pangalan, Panginoong Jesus. Amen.

 

APPLICATION

Kung may kinakaharap kang hamon, idulog mo ito sa Diyos na nangakong tutulong at gagabay sa iyo. Ituturo Niya sa iyo ang mabuting gawin.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 9 =