9

JUNE 2022

Say, “Peace!”

by | 202206, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Lara Quigaman & Written by PMV Clapano

Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila’y ituturing na mga anak ng Diyos.

Mateo 5:9

There are a lot of reasons that will trigger a misunderstanding between co-workers, friends, and even family members. There are even instances na kailangang may umawat o pumagitna if the tension is rising na. Kapag may misunderstanding, siguradong walang peace.

How do we resolve disagreements at paano nga ba maging totoong peacemaker?

Being a peacemaker means na kung ikaw mismo ang may nakaalitan o nakaaway, ikaw din ang unang gagawa ng hakbang patungong kapayapaan. Hindi lamang pala ito ‘yung maging mediator ka at umawat sa gulo.

The perfect example of a peacemaker is our Heavenly Father God. Sabi sa Mga Taga-Colosas 1:20, “at sa pamamagitan ng Anak, niloob ng Diyos na ang lahat ng bagay, maging sa langit o sa lupa, ay makipagkasundo sa kanya; pakikipagkasundo sa pamamagitan ng pag-aalay ng Anak ng kanyang dugo sa krus.” Our God is a peacemaking God. The greatest proof is when He gave His only son, Jesus Christ, upang magkaroon ng kapayapaan sa pagitan Niya at nating mga tao. Despite our sins, God made the first move to reconcile us back to Him. Talk about a peace-loving and peacemaking God!

But how can we be peacemakers, too? Sabi nga nila, kung ano ang puno, siya ang bunga. We first need to accept Jesus Christ as our personal Lord and Savior to be called children of God. And when we become children of God, we’ll have the character of our Heavenly Father, a peacemaker.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear God, sa sobrang daming dahilan para magalit sa ibang tao at sitwasyon, maraming salamat for reminding me na I can be a peacemaking and peace-loving person instead. I want to be called Your son/daughter. Thank You for Jesus Christ who died on the cross for my sins, I accept Him as my personal Lord and Savior. Please help me to make the first move toward peace in the midst of misunderstanding with other people.

APPLICATION

Mayroon ka bang misunderstanding sa ibang tao na hindi pa rin nare-resolve hanggang ngayon? You can use the Prayer List to pray for the people you want to make peace with. Pray to God, ask for strength and wisdom to make the first move in opening the door for a peaceful conversation between the two of you.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 15 =