14

OCTOBER 2022

Share with family and friends
Narrated by Jericho Arceo & Written by Beng Alba-Jones

Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras. Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim.

Ang Mangangaral 3:1-2

Sabi nga ni Noel Cabangon sa kanta niyang “Kanlungan,” “Pana-panahon ang pagkakataon.” May mga panahong wala kang problema at lahat ay masaya. May mga panahon din namang hindi ka makatulog sa dami ng iniisip at dahil kapos sa pera. May panahon na healthy ka at kaya mong gawin kahit na ano. May panahon din na makabangon ka lang sa kama, achievement na iyon para sa iyo. May iba’t-ibang seasons of life, ika nga.

What’s interesting about the cycle of seasons is that there is nothing you can do todelay its coming and ending. In countries with four seasons, the coming of winter, spring, summer, and fall just happen. One day you’ll just wake up and see outside that the leaves are falling. Or, tomorrow, magsisimula nang lumamig ang hangin. No matter how much you want things to stay the same, it doesn’t happen. So what do you do? You adapt. You adjust sa kung anumang season ka ngayon. It’s the same thing with life. Ngayon maginhawa, bukas hindi, or its reverse. But what a big assurance that God is always present in all the seasons of our lives. Sabi nga sa Hebrews 13:8 (NIV): “Jesus Christ is the same yesterday and today and forever.Magbago man ang panahon, makaaasa tayo sa love ni God tulad ng nararanasan natin ngayon at naranasan kahapon.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Jesus, thank You sa Inyong faithfulness and love. Sa panahong mahina ako, You are my strength. Sa panahong malungkot ako, You are my joy. Teach me to trust You, Lord, sa lahat ng seasons ng buhay ko.

APPLICATION

Read Ecclesiastes 3:1-8. Alin sa mga panahong binanggit ang nangyayari sa iyo ngayon? Believe that anumang panahon iyon, kasama mo si Jesus.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 3 =