14

JUNE 2021

Si God at ang Hairdresser

by | 202106, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Celeste Endriga Javier & Written by Lara Quigaman Alcaraz

Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari. Inyong kilalaning ako lamang ang Diyos, at maliban sa akin ay wala nang iba.

Isaias 46:9

 

Uupo na lang si Alicia at sasabihing, May kasal akong pupuntahan, make me pretty please!O kaya’y Haay, naiinis na ako sa buhok ko! Kalbuhin mo na kaya?

Through the years, alam na ng kanyang hairdresser ang gagawin sa kanyahaircut,  color, perm, o rebond. Hindi na nga kailangan pang tumingin sa salamin ni Alicia kapag inaayusan siya. Hihintayin na lang niyang sabihan siya ng, O ayan tapos na. You like?sabay ikot ng chair ng hairdresser para makita niya sa salamin ang likod ng ulo niya. Every time, wala siyang masabi kundi, I like it very much!”  Alicia completely trusts her dakilang hairdresser pagdating sa kanyang hair.

Sana ganito rin ang trust natin sa ating Panginoon. Kaso sa totoo lang, ang faith natin kay God ay parang alon sa dagat. Minsan ay payapa, minsan ay mala-tsunaming rumaragasa. Pabago-bago. Paano kaya titibay ang ating tiwala sa Diyos?

Sabi ng Isaias 46:9, Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari. Inyong kilalaning ako lamang ang Diyos, at maliban sa akin ay wala nang iba. Ilang beses na nga bang pinatunayan ng Panginoon na Siya ay mapagmahal? Kung magbabalik-tanaw ka, marami kang maaalala. Can you forget the time when God healed you? When God miraculously healed your husband from a life-threatening stroke? Yung na-lay-off ka sa trabaho pero madali kang inabsorb ng ibang kumpanya? Yung tumirik ang luma mong kotse tapos eto na ‘yung pulis na hindi ka pala bibigyan ng ticket, instead ay tinulungan kang magtulak. Yung walang-wala ka ng pera at balak mo na lang mag-fast, tapos eto ang kaupisina mong ginamit ng Diyos at nilibre ka sa eat-all-you-can. Ang dami pang maaaring idagdag sa listahang ito. God did those things then, He can and will do them again! Hindi pa ba titibay ang tiwala mo sa Kanya?

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, kamangha-mangha ang Inyong kapangyarihan. Matuwid ang Inyong paghatol, at malalim ang Inyong awa at pagmamahal sa akin! How can my trust in you be less than complete? Either hindi ko na Kayo napapansin dahil sa sobrang dami ng mga “kailangang gawin,” o sadyang nakalimutan ko na ang mga ito. Ipaalala Ninyo sa akin ang mga ginawa Ninyo nang nakaraan, at ipakita Ninyo ang hinaharap ko. I trust You Lord!

 

APPLICATION

Sino ang pinagkakatiwalaan mo nang husto, at bakit? Resulta ba ito ng kanilang mga ginawa sa iyo o dahil sa sabi ng iba? As you think about these things, consider how you can lead others to trust in the Lord.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 7 =