14
JANUARY 2024
Si Habagat, si Amihan, at si Sinag
Mula sa isang tao’y nilikha niya ang lahat ng lahi sa buong mundo. Itinakda niya sa simula’t simula pa ang kani-kanilang panahon at hangganan.
Ginawa niya iyon upang hanapin nila ang Diyos; baka sakaling sa kanilang paghahanap, siya ay matagpuan nila. Ang totoo, hindi naman siya talagang malayo sa bawat isa sa atin; sapagkat, ‘Hawak niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao.’
Tulad ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata, ‘Tayo nga’y mga anak niya.’
Mga Gawa 17:26–28
Habagat, Amihan, at Sinag ang pangalan ng mga anak ni Makisig. Matatas silang magsalita ng wikang Filipino, at di sila bumibili ng imported goods. Nakawagayway sa kanilang sasakyan ang bandila ng Pilipinas. Ito ba ang tunay na panukat ng pag-ibig sa sariling bansa?
Paano ‘yung mga Pilipinong ipinanganak sa ibang bansa, ‘yung magkaiba ang nationalities ng ina at ama? ‘Yung mga nag-migrate sa ibang dako ng mundo or ‘yung palipat-lipat ng countries of residence at hindi na makapagsalita ng Filipino? Paparatangan ba natin silang di nagmamahal sa sariling bayan?
What does the Bible say about the countries?
Sa Acts 17:26–28, nakasulat:
Mula sa isang tao’y nilikha niya ang lahat ng lahi sa buong mundo. Itinakda niya sa simula’t simula pa ang kani-kanilang panahon at hangganan.
Ginawa niya iyon upang hanapin nila ang Diyos; baka sakaling sa kanilang paghahanap, siya ay matagpuan nila. Ang totoo, hindi naman siya talagang malayo sa bawat isa sa atin; sapagkat, ‘Hawak niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao.’
Tulad ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata,
‘Tayo nga’y mga anak niya.’
Himayin natin ito. Unang-una, ang lahat ng lahi ay mula sa isang tao. So, in essence, ang buong mundo ay magkakamag-anak! Tapos, si God pala ang nag-schedule since the beginning of time, kung saan tayo titira at kung hanggang kailan tayo maninirahan doon. It was God who divided the earth and assigned us our nationalities. At ang main purpose Niya is for His creation to seek Him. What a revelation!
So, OK lang palang i-embrace ang influence ng ibang lahi sa atin, dahil magkakapatid naman tayong lahat. In fact, appreciating other cultures enhances our own and does not make us love our country any less.
Magpasalamat din tayo for the opportunity to share our talents with the world.
Blessed tayo dahil marunong tayong mag-Ingles at gifted din ang Pinoy to easily learn other languages. What a powerful tool to use in sharing God’s love to other nations.
LET’S PRAY
Panginoon, thank You for the revelation that we are distinctly unique yet the same as the rest of the world. Nawa’y tulungan po Ninyo kaming mahalin ang iba gaya ng pagmamahal namin sa sarili naming lahi. Amen.
APPLICATION
Mag-research ng organizations who are helping our kababayans and consider volunteering or donating bilang act of worship to our God. You might want to volunteer for Operations Blessing Phils.