14

MARCH 2021

Si Magdalena at Si Aldrin

by | 202103, Devotionals, Fear

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton Titular

Ang pagpapala ni Yahweh ay kayamanan, na walang kasamang kabalisahan.

Mga Kawikaan 10:22

Si Magdalena ay nakatira sa isang liblib na baryo ng Pagudpud. Ang tanging hanap-buhay niya ay ang paggawa ng mga basket at banig. Wala siyang kotse, TV, o washing machine. Nagluluto siya gamit ang uling, naglalaba sa batis sa tabi ng kanyang barong-barong. Wala mang aircon, presko naman ang hanging labas-pasok sa kanyang kubo. Ang backdrop ng tahanan ni Magdalena at ng kanyang pamilya ay ang makapigil-hiningang kagandahan ng bundok at dagat. Si Magdalena ay palaging nakangiti, mapagpasamalat, at talagang masayahin. Si Magdalena ay bulag.

May isa namang duktor na ang pangalan ay Aldrin. Matagumpay na duktor at mayaman si Aldrin. Sindami ng titulo na karugtong ng kanyang pangalan ang kanyang mga investment at property. Kung gaano siya kasipag, ganoon siya katipid. Isang simpleng lumang sasakyan ang minamaneho niya papasok sa trabaho habang naka-park lang sa garahe ang mga kotse niyang magagara. Pagkatapos ng bawat hectic day sa clinic, uuwi siya sa kanyang mansyon. Pero imbes na matulog, muli siyang susubsob sa iba pang trabaho hanggang alas dos ng madaling araw. Ang kanyang libangan ay ang pagsusugal sa casino, at pinalalago pa niyang pilit ang perang kinikita. Ganito si Dok araw-araw, kaya’t di maiwasang maging masungit sa kanyang mga tauhan.

Sa palagay ninyo, sino sa kanila ang tunay na mayaman?

Siguro ay medyo extreme naman ang kalagayan nina Magdalena at Aldrin kung ihahambing sa atin. Pero kanino ka mas nakaka-relate at bakit?

Wala mang mansyon at kotse si Magdalena gaya ni Aldrin, pero masayahin siya. Si Aldrin naman, mayaman at workaholic, pero mukhang takot maghirap. Kagaya ba tayo ni Aldrin na takot maghirap? Ayaw ba nating isipin ng iba na hindi natin kayang pantayan ang success ng mga kaibigan natin? Kapatid, ang takot at kabalisahan ay hindi galing sa ating Panginoong mapagmahal. Tandaan natin, “Ang pagpapala ni Yahweh ay kayamanan, na walang kasamang kabalisahan” (Mga Kawikaan 10:22).

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, You are my Provider. Ayaw ko na pong mangamba dahil hindi naman Ninyo ako pababayaan mapagkailanman. Magsisipag po ako at tutuparin ang aking mga tungkulin, hindi dahil sa ako’y natatakot, kundi dahil naniniwala ako that You are my great reward. I desire the kind of blessings You give, ‘yun pong tunay na kayamanan na nagdudulot ng galak at kapayapan.

APPLICATION

Recall all the blessings that you’ve received and the happiness you’ve felt. Consider every small and big blessing. Dwell on them and thank God.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 4 =