5

JANUARY 2023

Sino ang Driver ng Buhay Mo?

by | 202301, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Thelma A. Alngog

Saan man kayo pumaling, sa kaliwa o sa kanan, maririnig ninyo ang kanyang tinig na nagsasabing, “Ito ang daan; dito kayo lumakad.”

Isaias 30:21

Si Mang Kardo, dating jeepney driver, ay pumasok bilang school service driver. Apat na beses siyang sumusundo at naghahatid ng mga estudyante sa isang araw. The parents trust him dahil bukod sa pagiging skillful, careful, at reliable, siya ay mabait, mapagbiro, at mapagmahal sa mga bata. Minsan, nagkaroon ng school field trip at sumakay sa sasakyan niya ang teachers, students, at principal. Pero naaksidente sila at kinaladkad sila ng trak sa gitna ng highway. Nasaktan ang lahat ng sakay niya, kasama na ang principal. Hindi mapatawad ni Mang Kardo ang kanyang sarili dahil sa nangyari. Sama-samang nanalangin ang teachers, parents, at students para sa mabilis na paggaling ni Mang Kardo at ng principal. By God’s grace, nakarecover naman silang dalawa.

Kahanga-hanga ang drivers na priority ang ingatan ang buhay ng kanilang mga pasahero. Pero walang kasiguraduhan na lagi silang magiging safe because accidents do happen. Puwedeng magkamali sila. Iba si God. Ayon sa Isaiah 30:21, maririnig natinang Kanyang tinig at ituturo Niya sa atin ang daan. He knows the path and He will guide us so we would not be harmed.

Sino ang tunay na driver ng buhay mo? Diyos ba o sarili mo? Many of us run our own lives; ipinipilit ang sarili nating kagustuhan o agenda. Ang nangyayari, naliligaw o napapahamak tayo. How about letting God be in control? We can trust Him to tell us when to turn left or right, when to go slow or to stop, or even when to make a detour!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Thank You, Lord, that we can trust You to lead the way for us. Forgive us when we try to boss You or when we ignore You and lean on our own understanding. Mula sa araw na ito, I give You control of my life. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

In everything you do, always talk, thank, obey, and listen to God. Mas makikilala mo Siya by reading His Word daily. Listen to “Tsuper ng Buhay” after reading this devo and be inspired by the message of the song.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 15 =