5

MARCH 2022

Sino ang Number 1 Mo?

by | 202203, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Kata Inocencio & Written by Honeylet Venisse Velves

“Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.

Exodo 20:3

Paggising sa umaga, inaabot agad ni Anna ang cellphone para halikan ang picture ng k-pop idol niya. Saka pa lang niya babatiin ang asawang si Jose ng good morning. Puno ang closet nila ng mga paraphernalia ng idolo ni Anna kaya naman inilagay na lang ni Jose ang mga damit niya sa isang box. Dahil dito, tinanong ni Jose ang asawa, “Hindi ba ako ang pinakasalan mo? Sino ba talaga ang number 1 mo?”

Nakaramdam si Jose ng pagseselos nang maapektuhan na ang pagsasama nila. Valid naman ang naramdaman niya dahil siya — at hindi ang k-pop idol — ang asawa ni Anna.

Hindi lang celebrities ang ini-idolo ng fanatics. Maaaring politician ito na hinahangaan natin kaya naman ginagaya natin how he implements things. O kaya naman yung church leader natin that instead of turning to God when we have problems, una tayong lumalapit kay leader to find comfort.

Walang masama sa pag-acknowledge ng husay ng ibang tao. Ang masama is when this act becomes worship. Paano malalaman kung sino ang number 1 mo? Check kung sino ang may pinakamalaking influence sa everyday routines mo. Sino ang kino-consider mo sa decision-making mo? Dito, malalaman mo kung sino talaga ang nakaupo sa trono ng puso mo.

Sabi sa Exodus 20:5 “… I, the LORD your God, am a jealous God who will not share your affection with any other god.” Dahil ang gusto ng Panginoon ay totoong relasyon mula sa atin, He also wants our full commitment to Him.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, patawarin Ninyo po ako kung nasaktan ko Kayo dahil hindi Kayo ang number 1 ko. Help me to focus on You, to love You and be committed to You. In Jesus name, Amen.

APPLICATION

Take time to reflect kung sino ang may pinakamalaking influence sa buhay mo. Surrender it to God as you remember that He wants your full commitment.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 8 =