13

JUNE 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Celeste Endriga-Javier & Written by Celeste Endriga-Javier

Ang taong masayahin ay laging nakangiti, ngunit ang may lumbay ay wari bang nakangiwi.

Kawikaan 15:13

Simple lang ang devotional natin today. It’s about our smile.

Pag nakakakita tayo ng taong nakangiti, whether sa picture or in person, di ba napapangiti rin tayo? Ano kaya ang itsura natin ngayon? Tumingin na ba tayo sa salamin? Nakangiti ba tayo o nakakunot ang noo? Napangiti ba natin ang mga taong nakakita sa atin kanina? O lalo kaya nilang naisip ang kanilang problema at nangamba? Lumayo ba sila at umiwas? Sana naman ay hindi. 

Libre lang ang ngumiti at talagang nakakahawa. At kapag ngumiti ka, kahit pilit pa, nababawasan din ang iyong lumbay. It follows a biblical principle that what we give away, comes back to us. According to research, it takes 17 muscles to smile and 43 muscles to frown. Meron din namang ibang pag-aaral na nagsasabinig it takes 26 muscles to smile and 62 muscles to frown. Alinman dito ang mas accurate, it’s clear that it takes lesser muscle movement when you smile than when you frown. Marami pang benefits ang smiling. It lowers our blood pressure, napapaganda nito ang ating itsura, nakakabawas ito ng stress, napapalakas ang ating immune system, at nakakahaba ito ng buhay. Sabi nga ng Kawikaan 17:22, “Ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan, at ang malungkuti’y unti-unting namamatay.”

Kaya tara na at ngumiti na lang! At para ka makangiti, alalahanin mo ang mga pambihirang ginawa ng Diyos sa buhay mo at sa buhay ng mga kakilala mo (Awit 126:1–3).

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, help me to always smile. Kahit mabigat ang aking damdamin, bigyan po Ninyo ako ng grace to smile. Show me the wonderful things You’ve done, not only for me, but for others too, para maipakita ko sa kanila ang tunay na matamis na ngiti. I will consider smiling as an opportunity to show Your love to them.

APPLICATION

Try an experiment. Set your timer at sa loob ng isang oras, maglakad-lakad ka sa iyong paligid nang nakangiti. Bilangin mo kung ilan din ang ngingiti sa iyo. For the next hour, umikot nang nakasimangot. Pansining mabuti ang response ng mga makakakita sa iyo na nakasimangot. What important things did you learn from this experiment?

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 9 =