8

NOVEMBER 2024

Spring-Cleaned Heart

by | 202410, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon& Written by Felichi Pangilinan-Buizon

“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito’y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo’y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”

Mateo 6:19–21

Naghahanda si Karla sa kanilang paparating na paglipat. Excited siya na mas maluwag na tahanan ang kanilang lilipatan. Kinailangan niyang mag-spring cleaning. Di maiwasan ang puspusang paglinis ng bahay para ma-identify niya kung anu-anong mga bagay ang ililipat, itatago, ipapasa, o itatapon na. While she was cleaning, nadismaya siya sa mga bagay na naluma at nasira sa taguan. May mga nag-expire na! Kung ipinamigay na lamang sana niya, natulungan pa ang iba. Nakakapanghinayang tuloy at madaling napuno ang kahon para sa mga bagay na patapon na. Na-guilty din siya dahil may mga bagay siyang hiniram na hindi pa rin niya nasasauli! Di mapakali si Karla. Habang tinitingnan ang gabundok na gamit, doon niya napagtanto na ang talagang nangangailangan ng spring cleaning ay ang kanyang puso. 

Sa dami ng gamit at gadget ni Karla, di ka maniniwala na katulad ng lahat, she was born without anything. Nagulat din siya sa dami, and she realized when the time comes na lilipat na siya from earth to eternity, wala rin siyang madadala with her. Perhaps, oras na to simplify. Alam niya hindi good stewardship ang masiraan at mabulukan ng gamit, and this motivated her para punuin ang kahon ng mga ipapamigay na gamit. Alam niyang maa-appreciate ito ng iba. Ang mga gamit na kanyang hiniram ay dapat na niyang ibalik sa mga tunay na may-ari! Itapon naman niya ang mga bagay na di kalugud-lugod sa Panginoon pati na ang maling mindset na mag-impok ng mga bagay na hindi na niya kailangan. Kung meron man siyang babaunin o itatago, ito yun: think eternal, go for what will last. Mag-impok ng kayamanan sa langit. Isa na rito ang pusong na-spring-clean.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, minsan nakakalinlang ang mga bagay-bagay dito sa lupa. Forgive me for coveting and clinging to temporary pleasures. Cleanse my heart, Lord. Bigyan Ninyo ako ng uhaw para sa mga bagay na panlangit sa ngalan ni Jesus, Amen.

APPLICATION

Kung may bagay kang hiniram na hindi mo pa naibabalik, don’t delay in returning it. Kung may mga pre-loved items ka naman at pupuwede mo nang i-share sa iba, dalhin mo na and bless someone.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 13 =