22
MARCH 2022
Struggling with Unforgiveness
Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid kong paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?” Sinagot siya ni Jesus, “Hindi ko sinasabing pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.”
Mateo 18:21–211
Hindi ko na siya mapapatawad sa paulit-ulit niyang kasalanan sa akin!
Ito na huling beses akong magpapatawad!
Hindi niya deserve ang kapatawaran sa laki ng kasalanan niya!
Ito ang linyahan ng mga inaping bida sa drama. Kung minsan sa panonood natin ng mga soap opera nadadala tayo na may kasama pang panggigigil tapos bigla mong maiisip ang mga taong nang-agrabyado sayo. Pamilyar ba ang ganitong eksena sayo?
Let me share with you another scene. Alam mo ba ang kwento ng unforgiving servant na mababasa sa Matthew 18:21–35? May isang servant na may utang sa kanyang hari na nagkakahalaga ng 10,000 denarii (between $430,000 and $1,000,000 ngayon). Hindi niya kayang magbayad kaya humingi siya ng mercy at kinansela ng master ang kanyang utang dahil sa awa.
After that meeting with his master, nakasalubong nito ang fellow servant niya na may utang sa kanya ng 100 denarii (between $4,300 and $10,000 ngayon) at siningil niya ito. Nakiusap ito sa kanya, asking for more time to be able to pay, pero hindi siya pumayag. Pinakulong niya ang may utang sa kanya. Nakarating sa hari ang nangyari at ipinatawag siya. He ended up being jailed himself hanggang sa mabayaran niya ang utang niya.
Ang Diyos natin ay puno ng love, grace, mercy, at marami pang magagandang attributes pero wag natin kakalimutan na Siya rin ay just o makatarungan. Kahit na hindi ka mapaghiganti pero meron ka namang unforgiveness, this is still not pleasing to Him. Ang nais Niya ay maging forgiving tayo sa ating kapwa kahit paulit-ulit pa dahil ganito din ang inoffer Niya sa atin—unlimited grace and forgiveness.
LET’S PRAY
Dear Heavenly Father, marami pong salamat sa kapatawaran na laging available sa akin. May I always be reminded of Your forgiveness to me. Tulungan Ninyo akong mapagtagumpayan ang unforgiveness ko. I want to always honor You with my life.
APPLICATION
Huwag magpapadala sa drama ng buhay dahil hindi ito spiritually healthy. Desire to do the will of God. Itaas sa panalangin ang struggle mo sa pagpapatawad and believe that God will answer your prayer.