7

JUNE 2024

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Celeste Endriga Javier & Written by Celeste Endriga Javier

Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso.

Lucas 12:34

Nasa abroad si Bernie nang nakatanggap siya ng text mula sa kapit-bahay: Our neighbor’s house is on fire, looks really bad! Tatlong bahay lang ang lapit ng sunog sa kanyang bahay. Ayayay! Matutupok rin ba ang bahay na kanilang pinundar? Hindi malaman ni Bernie kung ano ang gagawin. Dumating na raw ang bumbero, pati ambulansya. Ano pa nga ba ang kanyang magagawa? Nag-mental accounting si Bernie. Ang kotse ay ipinahiram nila sa kaibigan, kaya wala iyon sa garahe. Ang important documents ay dala-dala niya dahil may nilalakad nga siyang proyekto. ‘Yung iba namang papeles ay puwede hingan ng certified true copies, kaya, ok lang. Ang mga damit at muwebles, puwede namang palitan ng bago. Ang bahay, naka-insure. ‘Yung precious picture albums, ayun ang sayang. Ang dami ring significant events na naganap sa bahay na ‘yun — mga reunion, mga Pasko, at iba pang handaan. Those memories will just have to be stored in the heart forever. So, its not about the house at all! Medyo napahinga ang kabog ng kanyang dibdib.

Tumingin si Bernie sa kanyang paligid. Nasa tabi niya ang kanyang asawa, hawak-hawak ang kanyang kamay habang nananalangin sila. Nasa salas naman ang mga bata, naglalaro ng card game. Bigla niyang naisip: Lahat pala ng tunay niyang kayamanan ay malayo sa sunog. Mabuti pala’t imbes na binili niya yung signature bags at watches na gustong-gusto niya, ay bumili na lamang siya ng plane tickets para makasama niya ang mga bata sa trip na iyon. Kaya nabigkas niya, “Salamat Panginoon.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat po na in difficult situations we are forced to check what is really important to us. We speak the peace of Christ upon every challenging moment, maging sa amin o sa aming kapwa. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

May sunog man o wala, mainam na mag-count tayo ng ating blessings. Tulad ni Bernie, mag-mental accounting tayo. Ano-anong mga bagay ang meron sa bahay natin na okay lang na matupok ng apoy? Why are you keeping them? Another good question to ask ourselves is where does the majority of our money go? Most importantly, may important things ba na oras na para ayusin natin — gaya ng broken relationships?

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 7 =