30
SEPTEMBER 2022
Surprise!
Kung umaga’y ipadama iyong wagas na pag-ibig, at sa buong buhay nami’y may galak ang aming awit.
Awit 90:14
“Surprise me!” Iyan ang sagot ng food critic na si Anton Ego sa animated movie na Ratatouille nang tanungin siya ni Linguini kung ano ang gusto niyang dessert. On another level, talagang nakakasorpresa dahil ang masasarap na pagkaing inihahain sa French restaurant na Gusteau’s ay niluluto pala ng dagang si Remy.
Habang minumuni-muni ni Moses ang buhay ng tao sa mundo at ang nararanasang hirap ng mga tao, nasabi niya sa Diyos, “Kung umaga’y ipadama iyong wagas na pag-ibig, at sa buong buhay nami’y may galak ang aming awit.” Sa VOICE translation, ganito ang sabi: “With every sun’s rising, surprise us with Your love, satisfy us with Your kindness. Then we will sing with joy and celebrate every day we are alive.”
Pareho ang hiling ni Moses at Anton Ego: “Surprise us!” At siguro, ito rin ang gusto mong sabihin sa Diyos. Dahil nakakabagot na ang routine at hindi na nakakabuti ang status quo, umaasa tayo na sana ay may mabuting mangyari sa buhay natin. Sana magkaroon ako ng big break. Sana isang araw, dumating na ang hinihintay ko. Sana may sorpresang dumating. At hindi tayo mabibigo kapag sa Diyos tayo umasa (Mga Taga-Roma 5:5). Noong si Jesus ay nandito sa lupa, marami Siyang ginawang out of the ordinary na ikinagulat ng marami. Ang tubig ginawa Niyang alak. Ang mga outcast, inabot Niya. Pati pambayad ng tax, saan ba Niya pinakuha? Sa bibig ng isda! Kaya huwag kang mag-alala. Dahil mabuti ang Diyos at iniisip Niya lagi ang makakabuti sa iyo, at may “niluluto” Siyang masarap na sorpresa para sa iyo.
LET’S PRAY
Lord, turuan Ninyo akong magtiyaga sa gitna ng unfavorable situations, at habang hindi ko pa nakikita o nararanasan ang mga hinihiling ko, patuloy akong magpapasalamat para sa sorpresang ibibigay Ninyo.
APPLICATION
Balikan ang magagandang sorpresang naranasan mo o ng kakilala mo. Paano ipinakita ng Diyos ang pagmamahal Niya at kapangyarihan sa pamamagitan ng mga pangyayaring iyon?