22

NOVEMBER 2022

Tag-init Man o Tag-ulan

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Jericho Arceo & Written by Honeylet Venisse A. Velves

Kaya’t ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato.

Mateo 7:24

Matapos ang matagal na paghingi ni Josiah sa kanyang mga magulang na magkaroon ng kubo sa kanilang bakuran para maging tambayan, finally, naipatayo na ito. Sa sobrang excited niya, ilang araw siyang natutulog dito. Ngunit isang araw, dumating ang bagyo. Kinailangan ni Josiah na bumalik sa bahay nilang yari sa bato para hindi siya mabasa sa loob ng kubo. Isang buong araw na umulan nang malakas at tuloy-tuloy ang hagupit ng hangin sa kanilang lugar.

Kinabukasan, nakita na lamang ni Josiah na wasak ang kubo na ilang araw pa lamang naipatayo. Agad na nawasak ang kubo dahil bukod sa hindi matibay ang materyales na ginamit sa pagbuo nito, hindi rin malalim ang naging pundasyon nito. Habang tinitingnan ni Josiah ang kanilang bahay na bato, naisip niya na tatlong dekada na itong nakatayo, pero dahil matibay ang pundasyon nito, hindi ito natinag sa bagyo.

Sabi sa Mateo 7:24, ang pagsunod sa Salita ni God ay parang pagtatayo ng bahay na ang pundasyon ay bato. Ibig sabihin, matibay ito. Hindi ito matitibag anumang panahon ang dumaan. Dumaan man ang matinding init o pressure sa buhay mo, kung papakinggan mo at susundin ang Salita ng Diyos, makakaranas ka pa rin ng comfort. Hampasin ka man ng bagyo ng depression, sickness, or even death, hindi ka matatangay.  Ang Salita ng Diyos ang magpapatibay sa iyo para di ka mabuwag anuman ang panahon.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, thank You for Your Word that guides me everyday. Reveal more of Yourself and Your Will to me. Give me a teachable heart that I may always obey You. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Try to post a Bible verse in your social media account everyday. Be reminded of His will for you and share it para maging encouragement din sa ibang makakabasa.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 9 =