18

OCTOBER 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Kata Inocencio & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Bibigyan ko ng inumin ang nauuhaw, at bubusugin ang nanlulupaypay dahil sa matinding gutom.

Jeremias 31:25

Para sa mga batang 80s and 90s, napaka-powerful ng salitang “taympers.” Kahit na nasa kasagsagan ng larong habulan, basta may sumigaw nito, titigil ang lahat. May makatapik man sa iyo, hindi ka magiging taya.

Ang “taympers” ay pinaiksing Pinoy version ng “time out first.” Okay siguro kung may ganito sa totoong buhay, ano? May mga pagkakataon kasi na overwhelmed tayo sa challenges na dumadating sa atin. Sometimes we feel like we’re running on empty at parang wala na tayong kakayahang magpatuloy pa.

Our first line of defense is to ask for the Lord’s help, after all, one of His promises is that He will give us rest when we need it (Exodus 33:14; Psalm 23:2–3). But here’s an uncomfortable truth: The world doesn’t stop just because we can’t cope or we’re hurting. Minsan, may mga responsibilidad tayong kailangang gampanan that cannot just wait. But there is also a comforting truth: We can rely on the Lord for help. Kaya Niya tayong bigyan ng lakas (Isais 41:10). Kaya Niya tayong bigyan ng wisdom para maliwanagan tayo tungkol sa mga bagay na kailangan nating ma-accomplish (Santiago 1:5). And He can give us a sense of peace (Juan 16:33).

Nangangamba ka ba na hindi ka itatawid ni Lord sa sitwasyon mo ngayon? Tandaan mo lang na ang pag-ibig Niya ay hindi nagmamaliw. Ang kahabangan Niya ay walang kapantay at sariwa bawat umaga (Mga Panaghoy 3:22–23). He won’t fail you, especially when you need Him the most.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, napaka-overwhelming na ng sitwasyon ko. Pero alam ko na nangako Kayo that You will never leave nor forsake Your people. Kini-claim ko ngayon ang pangako na iyon.

APPLICATION

Ano ang kailangan mo para sa sitwasyon mo? Is it strength? Wisdom? Peace? Panghawakan mo ang Isaiah 41:10; James 1:5; John 16:33; and Jeremiah 31:25. Wait to see how the Lord will work and shift the situation to your favor.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 4 =