19

OCTOBER 2023

Latang Walang Laman

by | 202310, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Aliya Parayno

O Yahweh, bibig ko ay iyong bantayan, ang mga labi ko’y lagyan mo ng bantay.

Awit 141:3

May kasabihang, “Confidence is silent. Insecurities are loud.” Malamang ay may nakahalubilo ka nang mga taong hindi mapigilan ang pag-iingay. I am not pertaining to our chatterbox friends who happen to also be the life of the party, or that BFF of ours whos always there to cheer us up and never runs out of funny antics. I am referring to those people na “mema” o short for “may masabi lang.” These are the persons who, to mask their insecurities, ay dinadaan sa pagyayabang, pamimintas ng iba, at pagbubuhat ng sariling bangko. Being around such individuals may be fun at first, pero kalaunan ay mare-realize mong wala kang napupulot na maganda sa pakikisama sa kanila. In fact, surrounding yourself with them feels like youre being wrapped in toxicity.

Another saying comes to mind: “Tell me who your friends are, and Ill tell you who you are.” Oo ngat kalooban ng Diyos na tayoy maging palakaibigan at maging mabait sa kapwa, but it is also our responsibility to choose what we expose ourselves to. Though it is permissible to entertain ourselves with movies and music, kailangang piliin din natin kung ano ang pinapanood at pinapakinggan natin. Being around negative people affects us in the long run. Hindi lamang may tendency na magaya natin ang kanilang pagsasalita at pagkilos, kundi pati na rin ang pag-uugali.

Kaya naman, let us join the psalmist in his prayer in Psalm 141:3, “Set a guard over my mouth, Lord; keep watch over the door of my lips.” Tunay ngang kailangan natin ang tulong ng Diyos para bantayan hindi lang ang lumalabas sa ating mga labi kundi pati na rin ang mga kinikilos natin. When we are filled with God and His Word, we can live according to His will ― as salt and light of the world.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan po Ninyo ako sa aking pakikipagkapwa-tao. Bantayan po Ninyo ang aking mga sinasabi. Huwag po Ninyong hayaang maging tila isang latang maingay lang ako pero wala namang laman. Ang bawat lumabas nawa sa bibig ko ay maka-encourage sa iba at makapagbigay ng luwalhati sa Inyo.

APPLICATION

Hilingin mo sa taong pinagkakatiwalaan mo na pakinggan ang mga sinasabi mo. Ano ang narinig niyang lumabas sa bibig mo? Pag-isipan pa kung paano mo sasanayin ang sarili na magsabi ng magagandang bagay.  

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 11 =