20

MAY 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Peter Kairuz & Written by Thelma A. Alngog

Kaya’t huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon, tayo’y mag-aani kundi tayo magsasawa. Kaya nga, sa lahat ng pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

Mga Taga-Galacia 6:9-10

Noong 1999, may mag-asawang nagtayo ng isang school para sa mga batang may special needs. They took care of almost 50 kids na may autism, hearing impairments, mental retardation, cerebral palsy, at global developmental delays. During the first few years, everything seemed to be fine hanggang nagkaroon sila ng ibat ibang struggles. Pero hindi natinag ang mag-asawa. Nagpatuloy pa rin sila kahit naranasan nilang magturo sa ilalim ng punong mangga. With or without a classroom, walang nakapigil sa mag-asawa para alagaan at turuan ang mga batang ipinagkatiwala sa kanila ni Lord. They never gave up.

Not all of us are called to take care of 50 kids with special needs, pero tayong lahat ay may opportunity na gumawa ng mabuti sa mga nangangailangan at sa kapwa believers. Baka nga lagi kang gumagawa ng mabuti para sa iba, at gusto mo nang sumuko. Teka, huwag muna. Pakinggan mo ito and realize that great power lies in you.

When we accepted Jesus, hindi lang Siya ang sumaatin, kundi nasa atin na rin si God the Father and the Holy Spirit. And as we remain in Him, God’s Spirit will produce this kind of fruit in us: love, joy, peace, patience, kindness, goodness, and self-control (Galatians 5:22-23). Ang Holy Spirit na nasa atin ang magbibigay sa atin ng kapangyarihan para magmahal, magalak, maging payapa, matiyaga, mabait, mabuti, matapat, mahinahon, at magkaroon ng pagpipigil sa sarili. We need these characteristics to do good and not give up. The Holy Spirit in you will guide and empower you to do what is right and pleasing to God. Kaya huwag kang magsawang gumawa ng mabuti. Pagdating ng tamang panahon, you will reap a harvest.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for giving me the courage and strength to do Your will. Thank You for giving me a compassionate heart that beats for the needy. Umaasa ako sa Inyo, Holy Spirit, na binibigyan Ninyo ako ng kapangyarihan na magmahal, magalak, maging payapa, matiyaga, mabait, mabuti, matapat, mahinahon, at magkaroon ng pagpipigil sa sarili. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Napapagod ka na ba sa paggawa ng mabuti? Write a list of reasons kung bakit dapat mong ipagpatuloy ang mabuting bagay na ginagawa mo, iyan man ay sa isang tao o sa komunidad na pinaglilingkuran mo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 10 =