13
MARCH 2021
Temporary lang ang Mga Ito
Share with family and friends
“Ang sabi niya, “Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din akong babalik sa lupa. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi. Purihin si Yahweh!”
Job 1:21
Naranasan mo na bang manakawan o mawalan ng mga bagay na importante sa ‘yo? Noong mga bata pa tayo, we would cry or even hurt others kapag mayroong kinukuha mula sa atin. When we got older, we began collecting things—minsan pa nga ay tao—and we consider them as our own properties. Kasabay ng pag-angkin sa mga bagay at tao, we begin feeling attached to them. Ngunit paano kung kunin sa atin o mawala na ang mga ito?
Sa kuwento ni Job, who was considered as a righteous man in the Bible because of his trust and allegiance to God, makikita natin kung paano siyang tinest nang kunin sa kanya ang lahat ng mayroon siya—his possessions and his very own family. Dahil sa kanyang grief, he was able to say, “Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din akong babalik sa lupa. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi. Purihin si Yahweh!”
Hindi madali o masaya sa pakiramdam when things, dreams, opportunities, and even people are taken away from us. God understands. Even Jesus himself was robbed of many things—His friends betrayed Him and He was denied justice, or the opportunity to defend Himself among others—yet He still trusted God’s plan of reconciliation and restoration.
In this life, maraming bagay ang dadating at aalis. Temporary ang mga ito but we can have confidence that God’s Word, His promises, and what He wills for us are eternal. Everything we have are God’s gifts, at Siya lang ang may karapatan na bawiin ang mga ito. May we hold loosely whatever we have now and have the heart to praise God whatever happens.
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
Father, ang lahat ng bagay ay galing sa Inyo at para sa Inyo. Maging ang buhay kong ito ay Kayo lamang ang may-ari. Turuan Ninyo ang puso kong maging mabuting katiwala ng mga bagay na ipinagkaloob Ninyo. At kung dumating man ang panahon na kailangang kunin na sa akin ang mga bagay na ito, may my heart understand and believe that You know what’s best. You are a good God, and I will trust you with everything. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
APPLICATION
During your quiet time with the Lord, isulat ang mga bagay na itinuturing mong sa iyo. Surrender them to God and seek His wisdom sa tamang paggamit ng mga ito.