17

APRIL 2021

Tempted To Quit?

by | 202104, Courage, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
"
Narrated by Sonjia Calit & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit di kami nalulupig. Kung minsa’y nababagabag kami, ngunit di nawawalan ng pag-asa. Inuusig kami, ngunit hindi kami pinababayaan ng Panginoon. Napapabagsak kami, ngunit di tuluyang napapatay.

2 Mga Taga-Corinto 4:8-9

Nagkaroon na ba ng period sa buhay mo na pakiramdam mo, bida ka sa isang teleserye? Kasi kakatapos lang ng isang problema, eto na naman ang isa. At susundan ito ng isa pa, at pagkatapos, isa pa, etcetera, etcetera. And from the looks of things, parang hindi na ito magkakaroon ng katapusan.

Nakakatuwa lang ang unexpected plot twists kung viewer ka at hindi participant sa mga nangyayari. Pero kung may pinagdaanan ka ng crisis sa trabaho at pagkatapos, nalaman mong na-betray ka ng isang close friend at may malalang sakit pa ang isa mong kamag-anak, hindi ba nakakapagod? Gusto mo nang sabihing, Hanggang kailan ganito, Lord? Hindi ko alam kung kaya ko ang lahat ng ito!

Normal lang ang pinagdadaanan mo. May warning sa Juan 16:33 na makakaranas tayo ng kapighatian sa mundong ito. Pero may good news na dala ang second half ng verse na itona napagtagumpayan na ng Panginoong Jesus ang sanlibutan. Dahil isinakripisyo Niya ang sarili para sa atin, na-cancel ang kaparusahang eternal damnation para sa sinumang manalig sa Kanya. Our salvation is assured dahil sa ginawa ni Jesus. Kung nagawa nga Niya ito, makakaya rin Niya na tulungan kang lagpasan ang mga pinagdadaanan mo.

Alam na alam ito nina Paul at Timothy. Nagpupunta sila sa iba’t ibang lugar upang ipalaganap ang tungkol sa Magandang Balita. In the process, napakarami nilang pinagdaanang hirap, pero nagawa pa nilang magsulat sa kapwa believers para magbigay ng encouragement sa mga ito. From experience, nagpatotoo sila na kahit na physically, nanghihina sila, lumalakas naman sila spiritually because they know that they’re walking with the Lord. At ito ang dahilan kung bakit hindi sila nasisiraan ng loob (2 Mga Taga-Corinto 4:16).

As you continue your own faith walk, ituon mo lang ang mga mata mo sa Panginoon. And let Him show you how He can turn your situation around for you.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong pagdaanan ang mahihirap na sitwasyon. But I know one day, this trial will be a triumph. This test will be my testimony because You have helped me overcome. Nagtagumpay na Kayo, Panginoong Jesus, kaya I believe, papagtagumpayin rin Ninyo ako. So I will not quit.

APPLICATION

Spend the next few minutes in prayer. Isa-isahin mo kay Lord ang struggles mo. I-confess mo kung nayayanig ang faith mo dahil sa mga ito, pero mag-commit na sa gitna nito, hindi ka bibitaw, dahil alam mong ganoon din Siya—hindi ka Niya binibitawan at iniiwan.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 11 =