22

JUNE 2021

Thank you, Sorry, Help!

by | 202106, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jamey Santiago Manual & Written by Yna Reyes

Sa pananalangin ninyo’y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila’y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi.

Mateo 6:7 

Marami sa atin ang galing sa tradisyon ng pagdarasal nang paulit-ulit. Memorized prayers recited mindlessly. Hindi ka na siguro gumagamit ng paulit-ulit na memorized prayers pero baka naman ang haba-haba mong mag-pray, lalo na kung nasa prayer meeting ka. Dito ang laki ng temptation na pagandahin at pahabain ang prayer natin dahil may ibang nakakarinig. Ang iba naman, ginagawang filler o panakip-butas sa panalangin ang pangalan ni Jesus o ang glorious title niyang “Lord” —para lang walang dead air habang nagpi-pray.

Bakit kaya ang daming palabok ng prayers natin? Pati ang maliliit na detalye ng problema natin, na alam na naman ng Diyos, inuulit-ulit pa natin sa Kanya. Kung tutuusin, simple lang naman ang gusto nating iparating sa Diyos, depende sa sitwasyon. Tuwing makakatanggap tayo ng blessing, we want to say, “Thank You, Lord.” Every time we commit a sin, we admit it and say, “I’m so sorry for this.” And most of the time, sa gitna ng trials and problems, the most honest prayer we can say is, “Help me, Lord!” or “Lord, have mercy on me.”

There are times na hindi kailangan ng mga salita sa pananalangin. Especially when there are no words that can express our anguish. Or kung hindi natin alam kung paano ipanalangin ang isang bagay. In times like this, the Holy Spirit helps us in our weakness. “Ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin” (Mga Taga-Roma 8:26).

The Lord sees our hearts when we pray. Nakikita Niya kung ang “Thank You, Lord” ay taos-puso, o labas lang sa nguso. Alam Niya kung totoong pinagsisisihan natin ang kasalanang kinonfess. He knows if our cry for help comes from a real place of need. Hindi natin mabobola ang Diyos sa pamamagitan ng mabubulaklak na salita. All He wants from us is a heart that’s surrendered.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Salamat, Lord dahil nakikinig Kayo sa prayer ko. I admit and I’m sorry Lord for how I’ve been careless with words when I pray. Thank You for Your forgiveness. Tulungan po Ninyo akong magpakatotoo tuwing lumalapit ako sa Inyo sa panalangin.

 

APPLICATION

Evaluate your prayer habits. May dapat ka bang baguhin batay sa sinasabi ng Mateo 6:7? Simulan mo nang baguhin ito ngayon.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 4 =