15
APRIL 2023
Gusto Mo Bang Maging Tunay Na Mayaman?
“At sinabi niya sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”
Lucas 12:15
Sa Luke 12:13–21, may lalaking lumapit kay Jesus dahil sa issue ng mana. Ang sabi ng lalaki kay Jesus, “Guro, sabihan nga po ninyo ang aking kapatid na hatiin sa amin ang mana mula sa aming ama.” Sa kultura ng mga Jew, ang firstborn son ay nakakatanggap ng double inheritance. Kung may dispute, dapat humarap sa hukom na magsisibilhing guro at tagapamagitan. Ngunit sa pagkakataong ito, diniktahan ng lalaki si Jesus na maging abogado niya sa halip na tagapamagitan. Kaya sumagot si Jesus, “Sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo?” At sinabi niya sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”
Para lalong bigyang-diin ang Kanyang babala, ikinuwento ni Jesus ang isang parable ng mayamang umani nang malaki mula sa kanyang bukid. Naisip ng mayaman na magpagawa ng mas malaking kamalig upang doon itago ang kanyang kayamanan. Sa isip niya, habambuhay na lang siyang magpapahinga, kakain, iinom, at magpapakasarap sa buhay. Ngunit sinabi ng Diyos sa kanya na sa gabing iyon ay babawiin sa kanya ang kanyang kaluluwa. Kanino ngayon mapupunta ang mga inipon niya? Nakakapanghinayang. Nag-impok siya ng kayamanan para sa kanyang sarili, pero hindi siya mayaman sa harap ng Diyos.
Pinapaalalahanan tayo ni Jesus sa lahat ng uri ng kasakiman. Hindi lamang ito tungkol sa kung paano natin nakuha o kinita ang ating yaman kundi kung saan din natin gagamitin ang yamang ipinagkaloob ng Diyos. Nakuha mo ba ang yaman mo sa patas at malinis na paraan? Do you pay your dues to the government? Do you honor God by giving a portion of your income as an offering? Have you been a good steward of these blessings, using them to cheerfully help others?
Hindi masamang maging mayaman. Ngunit ang tunay na mayaman ay hindi sakim at nakatuon lamang sa pagpaparami ng material possessions. Handa siyang magbahagi sa iba. Sa gayon, nagiging tunay siyang mayaman sa paningin ng Diyos.
LET’S PRAY
Panginoon, tulungan po Ninyo akong i-honor Kayo sa aking pinagkakakitaan at turuan Ninyo akong maging tapat at mabuting tagapamahala ng blessings Ninyo.
APPLICATION
Meditate on Luke 12:13–21 and Matthew 6:19–24. Ask the Lord to reveal to you how you can honor Him with your wealth.