3

MARCH 2023

The Book of Wisdom

by | 202303, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Aliya Parayno

Sapagkat si Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan, sa bibig niya ang kaalaman at unawa’y bumubukal.

Kawikaan 2:6

Natatandaan pa ba ninyo ang encyclopedia? Ito yung makakapal na librong naka-display sa aparador nina Lolo’t Lola na inaalikabukan lang kasi wala nang gumagamit. Dito kumukuha ng impormasyon ang mga estudyante noon kapag may kailangang iresearch sa school. Kumbaga, it’s the ultimate source of information!

These days, the Internet is our go-to virtual place whenever we need anything from the list of go, grow, and glow foods; to the downfall of the Byzantine Empire; to what’s the difference between an alligator and a crocodile. Konting type sa keyboard, a few easy clicks, then ayan na ang impormasyong hinahanap mo!

Pero alam ba ninyo na may dakilang librong iniregalo ang Diyos sa atin na magbibigay sa atin ng karunungan? Ang librong ito ay ang Bible. Naglalaman rin ang Bible ng ilang scientific facts, gaya ng gravity (Job 26:7); water cycle (Job 26:8); and the earth’s core (Job 28:5). Pero more than that, itinuturo ng Bible kung paano mamuhay ayon sa kalooban ng Panginoon. “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain (2 Timoteo 3:16–17). Isn’t it awesome to be given this fantastic gift? Kung mayroon mang isang librong gugustuhin mong basahin at namnamin, then the Holy Bible is that book! Magbibigay ito sa iyo ng karunungan dahil galing ito mismo sa Panginoon. Kaya’t huwag mong hayaang naka-display lang ito sa aparador para lang maalikabukan. God has given you His Word to be your source of wisdom.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Diyos na aming Dakilang Guro, buksan po Ninyo ang aming isip upang aming malaman kung ano ang kalooban Ninyo. Naway bigyang-halaga namin ang pag-aaral ng Inyong Salita.

APPLICATION

Maraming umaagaw sa ating atensyon — Internet, TV, messaging apps, online movies, and games. Bakit hindi mo buksan ang iyong Biblia ngayon? Siguradong may sasabihin si Lord sa iyo.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 3 =